Nung tanungin ako ni Doc Harry kung puwede ko siyang tulungang mag-grade sa practical exam ng mga estudyante niya sa Ateneo School of Medicine and Public Health, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Madali lang ang kailangang ituro: physical examination para sa cardiac at respiratory system. Wala naman akong gagawin sa mga araw na sinabi niya. Ayos rin ang magiging sweldo. Pero higit sa lahat, mahilig talaga akong magturo. Buong buhay ko, naging guro na ako ng kung sinu-sinong tao. {Continue reading}