lss: selling the drama ng live *wink*
++++++++++++
sabi ko nung biyernes, nakakatuwa naman kasi lunes ng tanghali ko pa kailangang bumalik ng maynila. bihira na kasi mangyari yun. half day lang ako nung friday, at tanghali pa ang pasok ko sa lunes. mahabang weekend sa bahay. kaninang umaga, bago ako maligo para magsimba, gumuho ang pangarap kong matulog sa kama ko ngayong gabi. langya, may exam kami bukas sa neuroscience, at sa pagmamadali kong umuwi ng bahay nung biyernes, naiwan ko LAHAT ng lecture transcriptions ko sa dorm. haaaaay. eh di ka pa naman pwedeng pumasa ng exam ng walang trans dito sa med. o kung papasa ka man, genius ka na talaga. kasi madalas, yung mga prof, verbatim, kung ano ang nakalagay sa lectures nila, yun yung lumalabas sa exam. di mo mahahanap sa kahit anong libro, pero dahil nasa powerpoint nila, lalabas sa exam. pagalingan na lang sa pagmemorize, pagalingan sa “pagkain ng trans,” word for word.
++++++++++++
shet. sa dami ng nakakalimutan ko, di na ko magtataka pag nagka-alzheimer’s ako pagdating ng araw. sa lahat ng sakit, ayoko pa naman ng alzheimer’s. alam mo yun? magpapakahirap kang mabuhay para lang makalimutan ang lahat ng pinaghirapan mo sa bandang huli?
++++++++++++
nagloloko na ang monitor ng pc ko dito sa bahay. minu-minuto, kailangan mong tapikin kasi nagkukulay dilaw o kaya naman eh nagkukulay violet. nakakainis. hirap na hirap tuloy akong ayusin ang mga kulay nitong bagong blog ko.
++++++++++++
ang gastos ko sa internet card. wala pang isang linggo, paubos na yung 20hrs na isp card ko. tsk, tsk.
++++++++++++
kapag merong nakikipag friends sa yo sa friendster pero di mo naman kilala, ano ba ang dapat gawin? ikaw pa ba ang makikipagkilala o hihintayin mo siyang magpakilala? pero pano kung kilala mo nga pero pakiramdam mo di naman kayo “friends,” nakakabastos ba kung hindi mo siya i-aadd at hahayaan mo lang na nakatiwangwang ang request niya? pero di ba mas nakakabastos kung padadalhan mo siya ng message na nagsasabing, “hoy! di naman kita friend ah!”?
++++++++++++
peyups christmas party na sa sabado! malamang pumunta ako, pero kailangan ko pang makadelihensiya ng P 150 na entrance fee. nung isang taon, kasama ko sa mesa sina limpbwizit, johanna at altarboy. powerhouse cast no! sino kaya ngayon? kita kita na lang tayo dun mga peyups netizens. (higit isang taon na kong nagsusulat sa peyups, pero pangalawang EB ko pa lang to pag nagkataon, hehe)
++++++++++++
ito ang first official blog entry ko dito sa blogdrive. yehey! nakakatuwa, meron na kong tagboard, pwede ko pang ilagay sa gutter ang pinakabagong peyups artik ko.
Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
para hindi mainsulto ang kakilala mong sakang, sabihin mo sa kanya, meron siyang “genu varum.” kung pike naman yung kaibigan mo, sabihim mo naman, meron siyang “genu valgum.”
lss: all i need ng matchbox twenty
++++++++++++
malas ko naman, ang sisipag ng mga columnists na kasabayan ko ng week sked sa peyups. apat na araw na lang tuloy ang itinatagal ng artiks ko sa homepage nitong mga nakaraang linggo. o well, ganyan talaga ang buhay…
++++++++++++
magdadalawang linggo na sa computer ko yung pinakabagong cd ng matchbox twenty: more than you think you are. di ko gano gusto yung mga “heavy” na kanta, pero gandang-ganda ko dun sa mga mababagal na malulungkot na nasa album.
the difference:
Slow dancing on the boulevard
In the quiet moments while the city’s still dark
Sleepwalking through the summer rain and the tired spaces
You could hear her name when she was warm and tender
And you held her arms around you
There was nothing but her love and affection
She was crazy for you
Now she’s part of something that you lost
And for all you know
This could be
The difference between what you need
And what you wanna be
Yeah, what you wanna be
hand me down:
From what I’ve seen
You’re just a one more hand me down
Cause no one’s tried to give you what you need
So lay all your troubles down
I am with you now
astig din yung could i be you tsaka all i need. at syempre, ang walang kamatayang unwell.
++++++++++++
hindi nga pala orig na cd ang pinapatugtog ko. burned copy na nga lang, hiram pa, hehe.
++++++++++++
bakit ganon, may mga bagay na alam mo nang hindi mo dapat ginagawa o iniisip, dahil alam mong wala namang maitutulong to sa yo, pero ginagawa o iniisip mo pa rin? (consciously o unconsciously, di mo alam) kaya tuloy, lalo ka lang naiinis sa sarili mo kasi alam mo na ngang di mo dapat gawin, ginagawa mo pa rin. shet.
++++++++++++
nakakainis kasi nitong mga nakaraang linggo, masyadong lumalabas ang pagkaGC (grade conscious) ko. pakiramdam ko, masyado kong nag-aalala para sa kalalabasan ng mga grades ko, eh kakasimula pa lang ng klase. kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko na normal lang naman yun (ang pagiging GC) kasi may scholarship ako. pero tangina pa rin eh. haaaaay. kailan kaya matatapos to?
++++++++++++
di ko pa rin mahanap sa kazaa ang mp3 ng lonely people ng jars of clay. baka meron ka nung cd ng who we are instead, pahiram naman, hehe.
++++++++++++
lecture namin sa respiratory physiology kahapon. yung doktor na lecturer namin, may punchline na hindi ko alam kung dapat ko bang tawanan o hindi: “who among you here have asthma? i also have asthma, but i have two: asthma of the respiratory system, and the ass-my-wife.” *headscratch*
++++++++++++
tatakbo si fpj. haaaay. gusto ko sanang mag-react kaya lang hindi naman ako botante, hehe. kaya tatahimik na lang po ang inyong lingkod.
++++++++++++
yehey! maaga ko nakauwi ng bahay ngayon galing dorm. makakanood na uli ako ng spongebob squarepants *hyper* wala kasi kami tv sa apartment eh. distraction daw, hahahaha.
Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
Hindi ka pwedeng magsuicide sa pamamagitan ng pagpigil ng iyong hininga.
lss: hand me down ng matchbox twenty
++++++++++++
unang med mission ko nung linggo, activity namin sa phi. nagpunta kami sa isang health center sa bauan, batanggas, at dun ko unang naranasan maging “doktor-doktoran.” simple lang naman ang ginagawa ng mga tulad kong first year pa lang pag med mission. taga-tanong lang kami ng pasyente kung ano nararamdaman nila. physical exam na nadadaan sa PR. may mga kasama naman kaming doktor talaga na taga-diagnose at taga-reseta ng gamot. sa med mission na yun ko natuklasang kailangan ko pang pagpraktisan ang mga reaksyon ko pag kaharap ang pasyente.
++++++++++++
eto ang kuwento, itong si tatay, lampas kwarenta na ata, pagkatapos umupo sa silya sa harap ng lamesa ko at pagkatapos kong tanungin, “tay, ano pong nararamdaman nila? (chief complaint ng pasyente ang unang tanong),” binigyan ako ng sagot na ganito: “eh kasi, kapag tumutungo ako ng matagal (yuko si tatay), nakakaamoy ako ng mabaho…” oh my gulay. buti na lang talaga nakagat ko pa yung labi ko, kasi kung hindi, gugulong talaga ko kakatawa! at buti na lang, katabi ko yung isa kong kaklase, siya na nagtuloy ng pagtatanong dahil natameme talaga ko. shet, anong klaseng doktor roni_bats yan! tama ba namang matawa? haaaaay. pasensya na, tao lang. pramis, di na mauulit.
++++++++++++
may napansin din pala ko sa med mission namin: lahat ng tao, o halos lahat, di maniniwala sa yo hangga’t di mo binibigyan ng gamot. hindi pwede sa kanila yung “nay, inom lang po kayo ng maraming tubig at mag-exercise…” bumaha ng multivitamins nung araw na yun.
++++++++++++
ngayon ko lang napag-isip-isip, ang mga blog entries ko, halos lahat, “kahapon, ganito ang nangyari sa buhay ko…” o kaya eh “nung isang araw, ganito naman…” ala lang. nakakainggit yung mga nakakagawa ng entries na “kanina, ganito…” yung mga saktong araw kung mag-blog. dati ko pa balak gawin yun, kaya lang, lagi kasing kapos sa oras. di bale. pag unlimited na internet access ko, hehe. kailan kaya mangyayari yun?
++++++++++++
bakit kaya ayaw maniwala ng mga taong 19 lang ako? hmmmm… sa mga nagtatanong kung paano nangyaring first year proper na ko sa med, nakapasa kasi ako sa intarmed curriculum. two years lang ang premed namin kaya normal lang na 19 ka mag-first year med proper.
++++++++++++
bakit kaya may mga taong kakaiba pag kausap mo sa text at pag kausap mo na talaga?
++++++++++++
langya nga pala, naiwan ko sa med stones ang libro ko sa biochem na hiniram ko lang sa isang second year student. nung isang linggo ko pa pala naiwala, nung lunes ko lang napansin. at nung isang araw ko lang naalala kung saan ko naiwan. shet. malala na talaga ko.
++++++++++++
sana, bago ko matapos ng med proper, matuklasan ko ang sikreto ng mga hindi nakakatulog tuwing marathon lectures.
++++++++++++
kay lagsh na nagtatanong kung ano ang nangyayari sa utong matapos magbuntis, ang sabi sa kin ng isang napagtanungan ko, bumababa raw. pero di ko pa sigurado yan. wala pa kong nababasa sa anatomy book na ganun nga talaga ang nangyayari. at kay futaneshka na nagtatanong paano kung walang pwet, dun pa rin ang pinakamalaking muscle? ang alam ko, oo. kasi, kapag wala kang pwet, manipis lang yung muscle, pero malaki pa rin naman yung area na sakop niya di ba? *wink*
++++++++++++
Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
speaking of pwet, merong tinatawag na anal wink. action ng mga sphincters down under.
His is the rightmost chair on the last row. It has always been his, regardless of classroom, class size, subject or time of day. During the first couple of weeks every semester, he makes it a point to arrive in class before everyone else, that by the end of the first month, nobody dares to contest his territory. Everyone knows: the seat belongs to he who never sleeps. {Continue reading}
lss: edge of the water ng jars of clay
++++++++++++
nitong nakaraang linggo, napatunayan kong di talaga ko pwedeng maglasing. isang san mig light lang, namumula na buong katawan ko. di lang basta namumula, para akong dinodrowingan ng mapa. nung isang gabi nga, kalahating strong ice lang, pulang-pula na rin ako. ganun katindi ang allergy ko sa alkohol. sabi ko dati, baka sa simula lang, pero shet, habang tumatagal ata, lalong lumalala. kaya ngayon, di na ko nawawalan ng claritin sa wallet. mahirap na, magka-respiratory distress pa ko at mamatay dahil kay pareng san miguel.
++++++++++++
katatapos lang ng unang linggo ng klase. haaay, may hangover pa talaga ko sa bakasyon. nakakatamad pang magbasa-basa. pero may ward work na kami sa biyernes at may exam na kami sa 25.
++++++++++++
may ipinahiram na libro sa kin yung isang kaklase ko: how to travel with a salmon and other essays ni umberto eco. gusto kong magbasa lang buong araw, pero di pwede. shet. sayang, nakakatawa pa naman yung mga essay niya.
++++++++++++
isang oras akong nakatayo kanina sa bus nung umuwi ako galing dorm. umuulan pa. inaantok na ko pero may kailangan pa kong isulat na artik. (hindi para sa peyups) puyatan blues na naman. kaya dumadami pimples ko e, langya.
++++++++++++
sa december 12, merong variety show ang isang org dito sa med na kung tawagin eh Tao Rin Pala (TRP). big time to, at sa philamlife theater ginaganap. may choral competition ang 1st year hanggang 3rd year med proper students. buong klase kasama. pagandahan ng kanta at pagalingan ng pagkanta. ako ang gumawa ng lyrics ng kanta namin. sayang, di pwede i-post dito, top secret daw eh, hehe. tsaka na, pagkatapos ng december 12. pero eto ang title: “sulat.” theme? “kailangan pa bang i-memorize yan?”
++++++++++++
may bagong album ang jars of clay, who we are instead. mukhang maganda yung isang kanta, lonely people. maDL nga isang gabi. paborito ko sila. as in. sayang lang, malabong mag-concert sila rito.
++++++++++++
kahapon nga pala, matapos ang halos dalawang taon, muli akong umattend ng prayer meeting ng isang christian student org dito sa up manila. alas-sais hanggang alas-otso ng gabi, sa chaplain’s house ng pgh chapel. nakakatuwa. sa dalawang oras na pagkanta at pagdarasal na yun, para kong nakapag-recharge para sa sem na to. tagal ko rin kasing nawalan ng panahon para sa mga ganitong bagay. sana, magtuluy-tuloy na to ngayon.
++++++++++++
may mga salita nga pala kong nakuha kagabi na tumatak sa isip ko: “pain is not what you feel. pain is when you see people you love hurt and you cannot do anything about it.”
Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
mas madalas sa hindi, talagang mas malaki ang isang butas ng ilong sa kabila.
Nawawala ang capo ng gitara ko. Hinalughog ko na ang buong apartment na tinitirhan ko — bawat cabinet at bawat drawer, bawat libro at bawat appliance, kulang na nga lang e bunutin ko mula sa lupa ang buong bahay at itaktak nang patiwarik, baka sakaling malaglag ang hinahanap ko mula sa kung saan mang kasuluk-sulukan, kadilim-diliman at kadumi-dumihan — pero wala pa rin. {Continue reading}
lss: disappear ng jars of clay
++++++++++++
kahapon, nung nagpunta kong antipolo para sa party ng isa kong kaklase sa med, napansin ko na hindi lang pala sa roxas boulevard nagkalat yung mga kulay pink na warning sign na to: “WALANG TAWIRAN. NAKAMAMATAY.” aliw na aliw ako rito. kulay pa lang, pinagsisigawan na sa yong wag kang tumawid. hindi lang basta pink eh. electric pink! pero sa isang banda, parang nakakabagabag na hindi na epektib sa pilipino yung simpleng “BAWAL TUMAWID DITO.” talagang kailangan lagyan ng “NAKAMAMATAY” eh, hehe. mabawasan nga kaya ang mga namamatay sa pagtawid sa kung saan-saan?
++++++++++++
di pala nanalo ang peyups sa webbies… :(
++++++++++++
pero kung may nakakatawang mga warning sign, meron ding umiirita sa mata ko tuwing nagagawi ako ng maynila. kung alam mo yung babaan sa may pedro gil corner roxas boulevard, malamang nakita mo na itong paulit-ulit na pininturang ito sa isa sa mga pader dun:
K-aunlaran
I-nyong
M-aaasahan
Mula kay Councilor Kim Atienza
Buhayin ang MayniLA.
paulit-ulit. sampung beses nga ata (tinamad na ko bilangin) at nasa isang dipa lang ang layo ng bawat isa. ano ba akala nila sa mga taong titingin sa pader na yun? bulag? duling? o baka naman spot the difference o odd man out ang gusto nilang effect?
++++++++++++
di pa yun natapos dun. si KIM the acronym uli. piyesta. ang acronym naman niya sa mga banner niya:
K-aligayahan sa
I-nyong
M-ag-anak
natawa ko dito. pramis. meron pa siyang isang acronym na nakita ko naman sa poste ng kuryente, nakalimutan ko lang kasi hindi katanda-tanda, hehe. wala naman akong galit kay kim. di rin ako botante ng maynila. pero ang eleksyon nga naman sa pilipinas, hanep, ang aga-aga magsimula.
++++++++++++
ang inggles pala ng esperma ay hindi sperm, kundi candle. napulot ko sa word for the day ng globalpinoy.
++++++++++++
nung pumunta nga pala ko ng antipolo galing maynila, naglrt-mrt ako papuntang quezon ave para makisabay sa kaklase ko. hindi ako nagmamadali sumakay ng lrt, at lagi akong naghihintay ng aircon na tren. kasi pag hindi, bukod sa mainit, siguradong siksikan kasi mas maiiksi yung mga tren. e di ayan, sakto ang pasok ko, aircon yung dumating. sa kamalas-malasan naman, nasakay ako dun sa tren na sira yung aircon. haaaay. naloko ako dun. langya, rush hour pa naman yun (bandang alas singko). amoy yosi yung buhok nung lolong nasa harap ko. di ako makahanap ng makakapitan kaya gumegewang-gewang ako. sa dami ng pasahero, para kaming mga sardinas na inalis sa jumbo lata at isiniksik sa budget lata.
++++++++++++
pero ang buhay nga naman, ang hilig magpatawa. sa loob ng lrt, may nangangaral tungkol sa bibliya. hindi ko alam kung paano nagagawa nung lalaking yun na ipagsigawan ang salita ng diyos kahit halatang walang nakikinig sa kanya dahil lahat ng pasahero e pawis ang iniintindi. alam mo kung kailan lang niya nakuha ang atensyon ng mga tao? nung banggitin niya ng lahat ng tumatanggap sa diyos eh nabubuhay sa langit habang lahat ng masasama eh nasusunog sa mainit at lumalagablab na impiyerno. shet. astig siguro kung nakikita mo na parang nasa comics ang iniisip ng mga tao sa loob nung tren nung sandaling yun. pustahan tayo pare-pareho kami ng naisip: “hindi pa ba impiyerno to?”
++++++++++++
pero may napulot ako dun sa mangangaral na yun. dapat daw ang mga lalaki, hindi naglalagay ng pera sa wallet. sa bag daw. ang mga babae naman daw, dapat wag sa bag kundi sa bulsa. kasi raw, ang mga dinudukutan, lalaki. ang mga naii-snatch-an, babae. ewan ko lang kung totoo nga to. siguro sa pelikula, oo. pero sa tunay na buhay kaya?
++++++++++++
tinatapos ko na yung artik kong lalabas sa lunes, first day of classes. title ng artik: nawawala, nagwawala. ayoko pang pumasok.
++++++++++++
Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
ang utong ay nasa pagitan ng ika-apat at ikalimang ribs (ikaapat na intercostal space) kapag hindi pa nagbubuntis.
lss: breathe ni michelle branch
(isang linggo ko nang lss ‘to…)
++++++++++++
nakapag-enrol na ko kanina. pero hindi pa rin ayos ang grade ko sa histology. bukas pa raw magpupuntang up yung head prof ng department. haaaaay.
++++++++++++
sa bataan ako nag-all saints day. first time kong mag-ferry boat paluwas ng probinsya nung biyernes. masyado raw kasing ma-traffic sabi ng nanay ko kung magbu-bus ako. aabutin ng 6 na oras ang biyaheng kakayanin ng 3 1/2 na oras kung hindi ma-traffic. sa may ccp ang sakayan. nakakatuwa. aircon pala yung mga ferry boat na yun pauwi ng bataan. akala ko naman, parang yung mga napapanood kong ferry sa sinehan: yun bang gawa sa kahoy ang mga upuan tsaka open-air, hehe.
at may dalawang tv pa sa loob! sulit maski doble ang pamasahe (215, di ko kasi dala ang ID ko, di sana, student fare lang na 185… 115 kapag bus mula avenida hanggang balanga), kasi, 55 minutes lang ang biyahe. kaya kung idadagdag mo yung FX mula amin hanggang ccp, pati yung bus at tricycle mula orion hanggang balanga, nasa 2 1/2 lang lahat-lahat.
++++++++++++
buti na lang hindi rin maalon yung dagat nung lumuwas ako. mukhang maaadik ako sa ferry nito.
++++++++++++
pero kanina, nag-bus na lang ako pabalik ng manila at lrt diretso up. di na naman ma-traffic. sayang din yung 100 pesos na matitipid ko no!
++++++++++++
kakaiba nga pala ang all saints day sa min sa balanga. sa memorial park kasi nakalibing yung lolo at lola ko sa nanay (nga pala, ang tawag naming mga apo sa kanila ay tatang at inang). ang weird do’n, merong peryahan sa loob ng memorial park. perya. oo, perya. may karnabal, tapos, may kung anu-anong sugalan sa loob.
++++++++++++
kasama na sa all saints day naming magpipinsan ang pagpeperya. pagkatapos ng dasal kina tatang at inang (syempre no, baka multuhin pa nila kami, mahirap na, hehe), diretso na sa perya yan. sayang lang, di ako nakasakay sa octopus ngayon, dami kasing nakapila eh. mura pa naman, 15 pesos. na-miss ko yung thrill ng pagsakay sa isang kinakalawang na ride, na bawat minuto eh hindi mo alam kung ilalagapak kayo mula sa ere tungo sa damuhan ng katabi mo. may sound effects pa yun! (”eeenggk! eeenggk!”)
++++++++++++
sayang din, wala na rin yung babaeng walang ulo tsaka yung lalaking kumakain ng buhay na manok. napalitan na nung motorsiklong paikut-ikot, pataas nang pataas, pababa nang pababa…
++++++++++++
isang beses lang ako tumaya sa perya. at swerte talaga ng first time. ganito kasi yun: may bola ng pingpong. ibabato sa isang malaking imbudo sa gitna, at malalaglag sa isang malaking board na punung-puno ng iba’t ibang baraha. huhulaan mo kung saan mapupunta yung bola. di kailangang pareho ang suit, basta tama yung face value. instinct lang, tumaya ako sa queen. at sa loob ng 15 segundo, naging 50 pesos ang 5 piso ko. astig.
++++++++++++
di na ko tumaya ulit. baka mabawi eh. sayang.
++++++++++++
pasukan na naman sa lunes. ayoko pa pumasok. gusto ko pang matulog sa bahay. at manood na lang ng spongebob squarepants buong araw. shet. naadik na naman ako sa isang tv show na pambata. (nami-miss ko na ang blues clues…)
Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
ang blackheads ay oxidized whiteheads.