Ronibats.com / 250 posts / 1,558 comments / feed / comments feed

She walks into the room.

The sight of her cheers you up like a kid seeing the first rays of sunlight after being forced to play indoors by the rain. You call her name and wave hi. She notices you and returns a hello. You smile. She smiles back. For a brief moment, you are awed by the spontaneity of things. Then you remember, she is the one you choose not to love, so just as quickly as you greeted her, you look away. {Continue reading}

Today, I study. Tomorrow, I take the exam. The day after that, I forget everything. I guess I just have to do the learning some other time.

 

(Hindi ako makapag-blog ngayon dahil dalawa exam ko bukas: Neuro at Biochem. Shet. Wala na namang tulugan… Haaaay…)

lss: spin ng lifehouse

++++++++++++

may nangyari sa kin kaninang madaling-araw.

alas-kwatro, naglalakad ako pauwi ng dorm. sabi ko sa sarili ko, mas mabuti na kung sa adriatico at sa nakpil ako dadaan, gimik night kagabi (kasabay pa ng lova palooza’ng pakulo ng close-up), kaya maliwanag at marami pang tao sa kalye. high risk kung sa pedro gil-orosa o kaya guerrero ako dadaan. maraming nahohold-up doon. naka-med white pants pa naman ako. (sa napaka-obvious na dahilan, maraming naka-uniform na med students ang nananakawan sa ermita/malate area, umaga man o gabi)

e di ok naman. hindi ako kinabahan. ngayon, nung naglalakad na ko sa malvar-adriatico, may napansin akong sexy (tight pants, fitted blouse at mahaba ang buhok) na nakatambay sa kanto (sa may country style) at nakatingin sa kin. syempre, ako, tingin din sa kanya habang tuloy ang paglalakad. dahil malalyu-layo pa ko nun, di ko pa siya gaano maaninag.

nagulat ako nung malapit na ko dahil bigla siyang nag-about face bago ko siya matitigan nang lubusan at nag-cat walk siya patawid ng kalsada papalapit sa kin. (sa gitna kasi ako ng kalsada dumadaan pag gabi, mas malaki yung probability na mahold-up ako kesa masagasaan)

++++++++++++

anak ng teteng, sabi na nga ba, cross-dresser si sexy. tuloy lang ako sa lakad at balik sa kalsada ang tingin. diretso lang, wag lilingon. pumasok sa isip ko na kumaripas ng takbo, pero hindi, wag na, deadma na lang.

tuloy lang din sa lakad si cross-dresser. papalapit sa kin. shet, may binabalak ang langya.

ang nakakatawa, nung nasa kanto na talaga ko, may isa pa palang cross-dresser na nasa kabilang kalsada. kapareho ng outfit, iba lang ng kulay. sigaw si cross-dresser2 kay cross-dresser1: “Gaga! Eh Pilipino naman yan eh!”

tuloy lang ako sa lakad. parang walang naririnig kahit sa totoo lang eh gusto kong gumulong sa adriatico katatawa: mukha pala kong foreigner sa malayo! mwahahahahahaha!

++++++++++++

tuloy lang din sa lakad ang dalawang cross-dresser. si cross-dresser1, hindi nagsasalita pero alam kong papalapit nang papalapit. si cross-dresser2, talagang lumapit sa kin sabay tanong (sa isang boses na dinig hanggang kabilang kanto): “hoy pogi! gusto mo daw bang patsupa?”

tingin lang diretso sa kalye. ang ganda talaga ng mga ilaw sa adriatico pag gabi.

“ano? pogi? gusto mo bang patsupa?!”

ang ganda rin ng buwan. half-moon na parang hindi dahil may gradient.

“hoy!” sigaw niya kay cross-dresser1 sabay hinto, “ayaw daw niya!”

at ako ay nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalampas ng kanto ng malvar. napansin ko na nakatawa yung security guard ng isang bar doon habang nakatingin sa nangyari, at nakitawa na lang din ako.

++++++++++++

ngayon lang nangyari sa kin to, na harap-harapang aluking magpatsupa (”oral sex”). sa harap ng mangilan-ngilang tao sa daan! (tao pa rin yun na nakakarinig no!) naisip kong i-fuck you yung cross-dresser na lumapit sa kin sabay mura, “tangina mo!” naisip ko ring sapakin na lang siya ng diretsahan. pero sabi ko sa sarili ko, wag na, magkaroon pa ko ng criminal record dahil sa kaputahan nilang dalawa.

napag-isip-isip kong hahayaan ko na lang sila maglaway habang tinititigan ako maglakad, papalayo nang papalayo. ang prutas na hindi nila maabot. ang almusal na hindi nila makain. ang chocolate na hindi nila mabili. hahahahahahaha…

++++++++++++

ang totoo, na-shock ako, pero saglit lang. nakarecover naman ako agad. tawa nga ko nang tawa nung mahiga na ako sa kama ko sa dorm. haaaaay. bakit naman kasi madaling-araw eh, naglalakad sa manila hotspots…

++++++++++++

paano ko nalalamang nasosobrahan na ako sa biochem: nang minsang nakakita ako ng streamer sa nakpil, ang naging basa ko na sa malate ay /ma-LEYT/. ang nang minsang naghahanap ako ng makakainan sa rob place, ang naging basa ko sa sports shop na proline ay /pro-LEEN/.

++++++++++++

ang valentine’s day ay cinelebrate ko sa neuro wards. nag-ward work kami kaninang umaga. at masaya siya. hintayin mo na lang sa kwentong MD.

++++++++++++

nakakainis. sa 72 blood at 65 urine samples na pinaghirapan naming kunin nung isang linggo, 23 lang ang valid. nasayang lang ang pagod namin. hindi rin naman pala namin gagamitin yung data… grrrr… back to square one na naman kami sa research… malapit na ang march submission…

++++++++++++

tumaas na pala ang presyo ng chocolate ngayon. 32 pesos na yung maliit na bar ng cadbury! 28 lang yun nung isang linggo ah! adik pa naman ako dun. (paborito ko yung chocolate mousse, chocolate ang labas, chocolate din ang loob, chocolate na chocolate, hehe)

naniniwala na talaga ko na ang valentine’s day ay pakana ng mga kapitalista.

++++++++++++

pakiramdam ko, mananalo ako ng nobel prize pag nakaimbento ako ng fat-transfer machine. isipin mo, tataba na lahat ng gustong tumaba habang pumapayat ang mga gustong pumayat!

Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
kung puputulin at tatanggalin mo ang iyong terminal ileum (ang dulo ng maliit na bituka), hindi maabsorb ng katawan ang mga kinakain mong taba.

lss: fields of gold ni sting
(na unang beses kong narinig nung kumain kami sa popeye’s nung isang linggo… ang ganda! maDL na nga…)

++++++++++++

nung sabado at linggo, wala akong ginawa kundi mangolekta ng ihi ng mga tao. ang research kasi ng grupo ko sa physiology eh kailangan ng 24 hour urine collection at blood extraction ng 90 tao. kaya yun, nung weekend, nasa calamba, laguna kami, kumuha ng ihi at dugo sa baranggay ng isa kong kagrupo.

ok lang yung day 1 eh. pa-BP BP lang ako. ayos nga eh kasi nagamit ko na talaga yung stet at BP apparatus na regalo sa kin nung pasko. ang sarap pala ng feeling ng may nakasabit na stethoscope sa leeg, hehe. tapos, napraktis ko pa social skills ko! “‘Nay, kailan ho kayo huling nagpa-BP?” “‘Tay nahihilo po ba kayo ngayon?” (naks!)

++++++++++++

pero langya, nung day 2, ang napunta sa king trabaho eh pagme-measure kung gaano karami yung inihi nung mga nagpa-test namin sa loob ng isang araw! binigyan kasi namin sila ng mga bote-bote ng coke at mineral water, at dun namin pinaipon yung ihi sa loob ng 24 na oras. ngayon, para hindi na kami mahirapan iuwi yung mga ihi ng 90 tao sa maynila, nagdesisyon yung grupo namin na kami na lang magme-measure ng total volume at magdadala na lang kami ng mga vials na may lamang urine sample sa pgh.

malas ko nga naman. biruin mo, gaano karami ang ihi ng tao sa loob ng 24 na oras? 1 hanggang 2 litro, o mas madami pa nga! at ilang tao yung kinuhaan namin ng ihi?! paano namin mineasure? graduated cylinder. eh ang gamit ko lang eh 250 ml, kaya kada tao, ilang beses akong nagsasalin-salin ng ihi? buti sana kung pineapple juice yung sinasalin-salin ko di ba? ihi yun eh! mapanghing ihi! haaaaaay. kawawa talaga kaming tatlong gumawa nung pagme-measure. buong linggo yun lang ang ginawa namin. buti na nga lang at nasa 60+ lang yung nagbalik ng ihi (out of 70).

++++++++++++

pero malas pa rin kasi 90 yung kailangan naming sample para maging valid yung study. grrr…

sana lang sa susunod iba naman trabaho ko…

++++++++++++

alam mo kung ano na lang ang sinasabi ko sa sarili ko? o well, at least pag nagduty na ko sa wards ng pgh, sakaling maihian ako ng kung sino mang pasyente, wala nang reklamo-reklamo.

++++++++++++

lumabas na pala kanina ang mga qualified for interview applicants ng UP college of med para sa class 2009. (class 2008 ako *wink*)

++++++++++++

may tanong sa world view forums sa peyups na hindi ko maalis sa isip ko: would you rather be right or happy? kung sinu-sino sa mga kaklase ko ang tinanong ko at iba-iba yung sagot nila. pero karamihan happy. lalo na nung nirephrase ko yung tanong: mas gugustuhin mo bang maging tama at hindi masaya, o mali at masaya? na yung pagiging mali ay hindi nangangahulugang may nasasaktan kang ibang tao.

ako? syempre, dun na ko sa masaya. tangina nila, basta masaya ako, hehe. wala naman akong natatapakang iba di ba?

++++++++++++

nabasa yung bagong bili kong hemingway short stories! bad trip, nilagay ko kasi yun sa bag ko, at nailapag ko yung bag sa may tagas ng tubig yelo. ayoko pa naman ang nababasa ang libro kasi kumukulubot yung pages. malas talaga. ang ganda-ganda pa naman ng print nun. iniipit ko siya ngayon sa tatlong bigating libro ng med (anatomy, physio, ob-gyn). sana bukas, matino na siya ulit.

++++++++++++

nakalimutan ko palang ikwento nung isang isang linggo (paano ba tagalugin ang two weeks ago nang hindi masagwa pakinggan?). kinulit ako ng bunso kong kapatid (babae, grade one) na igawa siya ng prayer para sa family day nila. siya daw magle-lead at kailangan niyang i-memorize. siyempre, inutu-uto ko muna: kiss mo muna ko! o kabila naman! o pa-kiss muna! o kabila naman! o yakap muna mahigpit! love mo ba si kuya? hindi ata eh, di na lang kita igagawa ng prayer…

wala lang. masarap kulitin ang mga maliliit na kapatid habang hindi pa sila masyadong nag-iisip. naalala ko nun, nung mga 4 to 5 years old pa lang sila nung kapatid kong lalaki, lagi kong napapa-trade ang isang baso ng coke sa kiss, hehe. nilulubos ko na habang mababait pa sila, hehe.

kaya yun, di ginawa ko naman ng opening prayer ang kapatid ko. (”o kiss mo muna ko ulit!”)

nung bumalik ako nung isang linggo, kinamusta ko, “o anong nangyari sa prayer mo? namemorize mo ba?” oo, sabi ng kapatid ko. kaya lang, “kaya lang ano?”

prayer before meals pala ang kailangan niya at hindi opening prayer!

++++++++++++

buti na lang gumawa ng instant prayer yung tatay ko nung makita niya yung programme, hehe.

++++++++++++

nakakahiya mang sabihin dahil halos bente na ko, pero sasabihin ko na rin kasi natutuwa ako:

“SINCE LAST WEEK, LEGAL NA KO MAG-DATE!!!! YIHAAAAAAAA!!!!”

*embarassed laugh*

++++++++++++

may valentine’s day artik pala ko on the works. konting hintay lang peyups people. sana matapos ko siya.

Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
ang carbohydrates ay pwedeng maging fats, pero ang fats ay hindi pwedeng maging carbohydrates dahil irreversible ang conversion ng pyruvate to acetyl-CoA ayon sa mga batas ng biochemistry.