lss: sunny days ng jars of clay (kahit umuulan)
++++++++++++
ito ang kauna-unahang blog entry ko habang naghihintay ng pagdating ng alas-nwebe dito sa megamall. kitang-kita ko lahat ng taong dumadaan sa tapat ng pinagtatrabahuhan ko. siyempre, ang nakikita nila sa salaming dingding namin e isang empleyadong busy sa pagta-type sa computer. malay ba nilang blog entry ‘tong ginagawa ko, hehehe.
++++++++++++
ako na lang ang staff dito. may one-on-one mandarin tutorial pa sa loob nung classroom, pero patapos na rin ata yun mamayang 8:30. kakapasok lang ng naglilinis ng review center. “good evening, sir” bati sa kin. di na ko nag-good evening. “busy” ako eh. *wink* iniisprayan na niya ng zim glass cleaner ang glass door na mamayang alas-nwebe e isususi ko.
++++++++++++
tumutugtog ang radyo. d’sound ang background music pero jars of clay ang lss ko.
++++++++++++
dumating na nga pala ang magandang balita: dos ako sa histology! approval na lang ng dean’s office at college council ang kailangan, ayos na ang grado ko. ang saya-saya. biruin mo, 2.75 ang unang grade ko, samantalang 2.0 naman pala talaga ako! makarma sana yung prof kong nag-zero sa kin dahil di niya makita test paper ko.
(tsk-tsk. ang sama-sama talaga ni roni_bats. dapat hangarin ang mabuti para sa ibang tao di ba?)
++++++++++++
o sige na nga, hangarin raw ang mabuti eh! sana… makita niya sa nursing ang katuparang hindi niya nakita sa pagdodoktor. mwahahahahahaha.
++++++++++++
at sa wakas, kampante na rin ako sa scholarship ko. lalabas na ang GWA ko sa first year e 1.95. ang required ay 2.000 =) yehey, mapera pa rin ako ngayong fourth year.
++++++++++++
buti na lang talaga nag-complain ako. meron kasing ibang tao, puro hiya ang pinaiiral eh. ako? ang pilosopiya ko sa pagtatrabaho: do your best, and demand what you deserve. walang nangyayari sa mga taong tanggap lang nang tanggap.
++++++++++++
may clinique happy for men na nga pala ako.
++++++++++++
at dumarami ang mga kakaibang nakakasabay ko sa bus/jeep.
minsan, may katabi ako. alam ko, pareho kaming sumakay sa edsa corner taft (yung pagbaba ng mrt taft). pero nung naniningil na ng pasahe yung nagtitiket at tanungin siya, “saan ho galing?” sagot niya, “baclaran.”
minsan ulit, may lolo. inaaway yung nagtitiket kasi binabawi ang tiket niya. paano ba naman, ang nangyari pala, nagbayad ng 500 yung lolo, e wala pang barya kaya binalik muna ng nagtitiket (teka, tigil muna ang kwento, kalalabas lang nung babaeng model na nagpapaturo ng mandarin dun sa mandarin tutor namin na kamukha ko raw. mas maganda pala siya pag di nakalugay lang buhok niya. shet. sana marunong din ako magturo ng mandarin, hahahaha)
o balik sa kwento. di hindi muna kinuha ng nagtitiket ang pera. nung magkabarya na siya, bumalik siya kay lolo. biglang sabi ni lolo, nawawala na ang 500 niya.
++++++++++++
(blogging interrupted. may biglang pumasok sa review center. apat na tao. may nangyari kay roni_bats. kakaiba. abangan na lang ang kwento sa lunes.)
lss: sunny days ng jars of clay
++++++++++++
nanakawan ng cellphone ang isang babaeng kasabay ko sa jeep kanina pauwi galing trabaho. nakahinto kasi yung jeep at nagte-text yung babae. (hindi tumatawag ha? nagte-text!) nung malapit nang mag-go, biglang may lumusot na braso sa bintana ng jeep at dinukot yung cellphone. takbo agad yung mandurukot papalayo.
ambilis. kundi pa sumigaw ng “aaaaw!” (para talagang sigaw ng sexbomb girls! pramis!) yung babae, walang makakapansin. maski nga yung katabi nung babae, di napansin e! (hindi kami magkahanay nung nanakawan, sa kanan siya nakaupo, dun ako sa kaliwa; halos katapat ko siya)
++++++++++++
hindi naman naghysterical yung babae. hindi ko nakita modelo ng telepono niya pero yung “aaaw” ang una at huling salitang narinig ko sa kanya. ang nakakatawa (sorry, pero natawa talaga ako… sa sarili ko lang naman), may isang mamang nakaupo sa bukana nung jeep, late reaction na nga, maling-mali pa yung reaksyon. bakit kamo? kumbaga sa sugat, nasugat na nga yung isang tao, kiniskisan pa niya ng asin!
tanong ba naman (sa halos lahat ng nakasakay sa jeep, at syempre dinig nung nanakawan), “nanakawan?! anong nanakaw?!” cellphone. “bakit?! tumatawag?? (lagay ang kamay sa tenga na parang tumatawag sa telepono)” walang sumagot. “anong modelo ng telepono?! mahal ba?!” tapos kinwento niya sa kung kanino man sa min na nung minsang hablutin daw ang cellphone niya sa zapote, pinagtatadyakan daw niya yung gago. sayang daw, di naabutan yung nagnakaw ng cellphone. bugbog daw sigurado yun. naka-bonnet yung mama, long hair at may bitbit na salamin ata yun sa loob ng isang sako na isinilid sa isang bag.
++++++++++++
hindi naman ako nainis dun sa mama. natawa nga ako eh. pero sana lang may konsiderasyon naman siya para dun sa nanakawan di ba? sana hinintay man lang muna niyang makababa yung babae bago siya magtatanong sa isang boses na bumulahaw sa buong jeep. ang nangyari kasi, parang nakitsismis siya tungkol sa isang tao habang nakikinig yung pinagtsismisan. kawawa naman tuloy lalo yung nanakawan.
++++++++++++
pero syempre, kasalanan na rin yun nung babae. mag-text ba naman sa loob ng jeep! kaya ako, lagi nakatali sa sinturera ko telepono ko eh.
++++++++++++
hindi naman pala talaga ko nag-je-jeep pauwi galing megamall. ganito kasi yun. mrt ako mula shaw boulevard hanggang taft. tapos, iba-iba pwede kong sakyan. pwedeng van diretso na hanggang sa min sa las piñas, 35 pesos. oo, mabilis yung biyahe, pero ang hirap kasi, pinupuno yung van. kaya minsan, kapag ikaw yung una o pangalawang pasahero, kahit wala pang 30 minuto yung biyahe, 30-45 minuto ka namang maghihintay.
swerte pag may naabutan akong bus sa edsa na diretso din sa min. bihira kasi yun e. sa buendia kasi talaga yung ruta ng mga bus na dumidiretso sa min (mga galing lawton). 18 pesos lang ang pamasahe. aircon na, mabilis pa. nasa 30-45 minuto lang din ang biyahe.
kaya madalas, dalawang bus ako. isa hanggang baclaran (ordinary, 4 pesos) tsaka isa pa hanggang sa amin (aircon, 18 pesos). nakakapagod to kasi sakay-baba-sakay ulit. hindi ka pa pwedeng matulog. bitin. halos isang oras ang biyahe.
ngayon, pag talagang nagtitipid ako, gaya kanina, nagjeep ako mula baclaran hanggang amin. 9 pesos lang ang pamasahe. buti na lang hindi mainit.
++++++++++++
nagtataka lang ako sa mrt taft, bakit hindi mailagay sa tamang oras yung malalaki nilang timex na relo. gumagana naman pareho, mali nga lang pareho yung oras. *headscratch*
++++++++++++
puro babae nga pala mga kasama kong staff sa tutorial center. ala lang. ang hirap kasi siyempre, ang mga magazines sa rack, kundi meg, cosmopolitan, o kaya good housekeeping. nagtitiyaga na lang tuloy ako sa libre.
++++++++++++
tapos siyempre, pag ang pinag-uusapan ay make-up, damit at bakya, tameme na ko. *rotfl* (may mga on-call tutors pala na lalaki pero yung mga staff, puro babae talaga)
++++++++++++
gusto kong malaman bakit hindi ko makita sa langit ang big dipper kapag nakikita ko yung constellation na orion. e parehas lang naman silang northern hemisphere di ba? yun na nga lang kaya kong i-identify, hindi ko pa makita nang sabay, hehe.
++++++++++++
mas gusto ko talagang magturo ng math kesa english. ngayon ko narealize. at mas lalong mas gusto ko math kesa biology (kahit na marami-rami rin akong alam sa bio dahil nga sa kurso ko). ang hirap kasi sa english at science, dada ka talaga nang dada. at least sa math, dada ka ng 10 minuto, pahinga ka ng 10 minuto habang nagso-solve ang tinuturuan mo. e sa english at biology, sa isang oras na tutorial, maswerte na yung makapahinga ka ng 5 minuto sa pagsasalita e!
++++++++++++
natanggap ko na pala kahapon ang kauna-unahan kong payslip sa tanang buhay ko. sweldo ko para sa april 28 to 30, 2004. balak ko yun ipa-frame balang araw. ang sarap ng pakiramdam ng kumikita ng sarili mong pera kahit studyante ka pa lang.
Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
kapag nakahiga ka sa kama at bigla kang tumayo, normal lang na biglang bababa ang blood pressure mo. physiologic hypotension yun.
lss: yeah, whatever ng splender
ayan, salamat kay x, meron akong blog entry ngayon. palalampasin ko na lang dapat to pero tangina, gago ako kung gagaguhin mo ko.
date posted in gutterboy tagboard: 04 may 2004
“who u? no idea, me. roni, ur articles suck. gosh, if i were u, i’d spare humanity the trouble of having to put up with a second-rate “writer” by just quitting and leaving the rest of us for good. u got that? no? shit. how about writing about swan songs? i’ll appreciate that, i think. and the guts! what nerve do you have to post your pix there? u remind me of something in steroids - a horse, that’s what. that’s all for now. but the rantings don’t end here. btw, are you from new jersey? as in new jersied to a mound of radioactive leaks, a mutation or a freak of nature at that? don’t drop by in nyc. x wait i forgot something: i wanna greet all management engineering majors of admu batch 03. it’s great if we could get in touch again. i’m so happy that it’s almost been a year since we’ve graduated.”
++++++++++++
reaksyon ni roni_bats nung una niyang mabasa:
(actual response kay godkiller, yung may-ari ng url na ginamit ni x)
“hehe, gk, ok lang. hayaan natin ang mga walang magawa. salamat.”
++++++++++++
reaksyon ni roni_bats kung nangyari ito nung isang taon:
“uy, salamat sa pagdaan sa blog ko ha? pati sa pagbabasa ng mga artiks ko. daan ka ulit. baka marami ka pang gustong sabihin. gandang araw! =)”
++++++++++++
reaksyon ni roni_bats kanina habang nakasakay sa mrt:
(parental advisory: explicit content)
“e pakshet ka pala e! blog ko to. ilalagay ko dito kung ano ang gusto kong ilagay. kung wala kang matinong magawa sa buhay mo, tangina, magpakamatay ka na. lunurin mo sarili mo sa inodoro o kaya magbate ka nang patiwarik hanggang maubusan ng hininga. puta, bakit ba sinasayang ko internet card ko sa isang gagong gaya mo? di kita pinilit basahin mga sinulat ko dito at sa peyups, pati na titigan pictures ko. kung ayaw mo ng gawa ko, puke (anong “pyuk”? “pooo-ke”!), anong paki ko?
please, get a life.
…or at the very least, a blog of your own. you’re pathetic. i pity you.”