“What exactly do you want from me?”
Haaaay. Kung masasagot lang ang tanong na ito, mas maraming magiging masaya, mas kakaunti ang magiging malungkot sa mundo.
- Posted by roni_bats at 11:27 pm
- No comments published
- Filed under: Med School
“What exactly do you want from me?”
Haaaay. Kung masasagot lang ang tanong na ito, mas maraming magiging masaya, mas kakaunti ang magiging malungkot sa mundo.
Dati-rati
Ipinanguguhit lang ng bahay
Panira ng laruan
Pangmano kay Itay
Kinukulayan ang mundo ng kasiyahan
Binibilang ng mga daliri bituin sa kalangitan.
Sino nga ba ang mag-aakala
Na ito’y mabibigyan ng pagkakataong
Makapaglingkod sa kapwa? {Continue reading}
lss: “huwag na huwag mong sasabihin…” ni kichy (sp?) nadal
++++++++++++
paunawa: ang susunod na blogpost ay pagyayabang. kung tingin mo e mahangin at maangas si roni_bats, maaari mo nang pindutin ang close button sa gawing kanan, sa itaas na bahagi ng window na ito. hindi kita pinipilit basahin ang gutterboy.
++++++++++++
1.7388 ang GWA ko last sem: 2nd year proper, 1st semester. ibig sabihin… CS ako!!! yihaaaaaaa!
++++++++++++
ang saya. umabot pa ko. 1.7500 yung cut-off di ba? hehehe. nakakaaliw. matapos ang isang taon, ngayon na lang ulit ako naging dean’s lister. nung nakaraang sem kasi, sayang, 1.8077 ako, sayang. +0.25 lang sa kahit isang major subject, pasok na sana. pero tapos na yun.
at masaya ako ngayon.
++++++++++++
ibig sabihin, makakaattend pa ako at ang nanay at tatay ko sa breakfast with the scholars sa march. ang college of med kasi, nag-i-sponsor ng breakfast/awarding ceremonies para sa lahat ng CS at US ng college taun-taon e. sa may PGH social hall. ayos di ba?
++++++++++++
simula year level I first sem hanggang year level II second sem, university scholar ako. tapos, nung mag-med proper, year level III, ala na. e sinipag ulit ngayong year level IV. e di balik CS si roni_bats.
++++++++++++
yun lang. gusto ko lang sabihing masaya ako. hehehehe. =) ito ang pinakamagandang paraan para wakasan ang isang sem ng pagpapakapagod, pagtitimpla ng kape, pagmememorize at hindi pagtulog magdamag.