Ronibats.com / 250 posts / 1,558 comments / feed / comments feed

“Nothing is done entirely for nothing.
You are older,
and you have made decisions,
and you are not the fox
you were yesterday.
Take what you have learned, and move on.”

The Fox of Dreams
The Dream Hunters, Neil Gaiman

 

Hari ng Sablay
Sugarfree

please lang wag kang magulat
kung bigla akong magkalat
mula pa nung pagkabata
mistula ng tanga
sa’n - sa’n nadadapa
sa’n - sa’n bumababangga
ang puso kong kawawa
may pag-asa pa ba

oooh, ayoko ng mag sorry
oooh, sawa na akong magsisi

pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta

ako ang hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
hinding- hindi makasabay
sabay sa hangin ng aking buhay
hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
ako ang hari, ako ang hari

isang tama sampung mali
ganyan ako pumili
‘di na mababawi ng puso kong sawi
daig pa ang telenovela
kung ako ay magdrama
ganyan ba talaga guhit ng aking tadhana

oooh, sawa na akong mag sorry
oooh, ayoko ng magsisi

pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta

ako ang hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
hinding- hindi makasabay
sabay sa hangin ng aking buhay
hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
ako ang hari, ako ang hari

woah, ayoko ng magsorry
oooh, sawa na akong magsisi

pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta

ako ang hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
hinding- hindi makasabay
sabay sa hangin ng aking buhay
hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
ako ang hari, ako ang hari

 

Kaarawan ngayon ng Hari ng Sablay, pero sa halip na magliwaliw, siya ay kasalukuyang nasa Marinduque, ginagawang binata ang mga batang naririndi na sa salitang supot.

Tinatamad na siyang mag-wish. Ang darating ay darating, at ang hindi ay hindi.

Babalik siya sa Lunes.

Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
Apat na minuto lang na mawalan ng oxygen ang neurons (nerve cells) mo sa utak, patay na agad sila. (At hindi sila nagre-regenerate.)

Kakabasa ko lang ng Yahoogroup namin. Ako raw ang nanalong editor in chief ng student publication ng College of Medicine, ang Medics.

 

Masaya, kasi gusto ko naman talagang magsulat. Pero sa isang banda, napa-haaay ako. “More work for you, roni_bats!”

 

Iniisip ko tuloy bitawan na lang ang trabaho ko sa Centennial Committe ng College of Med. Bahala na. May lampas isang buwan pa ako para mag-isip.

 

Gaya ng sabi ko sa isang kaibigan, bakit ganoon? Pakiramdam ko, masyadong maraming nangyayari pero walang nangyayari. Hindi umuusad ang buhay.

Malapit na akong lumampas sa bente. Lahat na ng Trisomy, nadaanan ko na! (13, 18 at ngayon, 21! Shet, ang toxic!) Pero bakit ganoon, pakiramdam ko, nauubos ang oras ko sa mga maliliit na bagay. Napakapredictable na ng bawat araw. May pasok man o wala.

Nababato na ako.

 

May nakasabay na naman akong kakaiba sa bus kanina nung papunta akong UP. Isang lalaking mukhang trabahador. Rush hour nun, pareho kaming nakatayo sa gitna (may isang lalaki lang na nakapagitan sa amin). Siyempre, nung una, wala na naman akong pakialam sa mundo. Nakatayo ako sa gitna ng bus pero malayo ang lipad ng utak.

Nagtaka ako kasi nung naniningil na ng bayad ang konduktor, antagal-tagal niya bago makapunta sa kinatatayuan ko. Tapos, nakita ko na lang, may tinitignan siyang barya sa palad niya, parang mga limang piso. Bayad nung lalaking kinukwento ko.

Narinig ko na lang, nakikiusap yung lalaki, “Pare, sige na. Canadian dollars iyan, naubusan lang talaga kami ng pera.”

 

Iyun pala, sumakay siya at iyung kasama niya sa bus nang walang pambayad maliban nga dun sa Canadian coins. E totoo ba? Mukha namang totoo nung narinig ko iyung usapan. Sabi pa nga nung lalaki, “Kahit wag mo na lang kaming tiketan.” (Malamang! E di nag-short naman yung pera ng konduktor kung titiketan pa sila.)

Syempre yung konduktor, ayaw pumayag nung una. Kasi lagot nga naman siya pag nasita siya ng inspector. Sinubukan pa siyang suhulan ng plastik ng mangga nung lalaki, “Eto, sa iyo na lang, apat na piraso iyan.” (Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas e!)

Either naawa na rin talaga yung konduktor, o wala na siyang magagawa dahil malayo na rin ang narating ng bus mula ng sumakay yung lalaki at yung kasama niya, kaya pumayag na rin siya sa huli.

 

Hindi ko alam kung ano ang balak ng konduktor sa Canadian dollars na ibinayad sa kanya. Ibubulsa na lang ba niya yun? Tutal, hindi naman niya yun tiniketan. Ang mangga, hindi niya tinanggap. Pero sabi nung lalaki, “Sige, iaalok ko na lang sa driver.”

Ang tanong, ibig sabihin ba nun, para na ring tumanggap ng “lagay” yung konduktor? O may busilak siyang puso dahil hindi niya pinababa ng bus ang kapwang wala nang pera sa bulsa kundi Canadian dollars?

 

Ewan. Basta alam ko, ang moral ng kwento, eto:

“Magpapalit muna sa money changer bago sumakay ng bus.”

 

Meron pa palang isa: “Kung magbibigay ng mangga bilang lagay…

…huwag kalimutan ang bagoong.”

 

Buti na lang magdu-duty na ako sa PGH sa pasukan. Kasi sa totoo lang, hindi ko na naman alam kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay.

Lumang tugtugin na, pero sa ngayon, nagpapadala lang ako sa alon.

Pag natagpuan mo ko sa dalampasigan, wag mo ko pansinin. Hayaang anurin nang dagat hanggang ako ay matauhan at mapilitang matutong lumangoy.

(Pagpasensyahan ang drama ni roni_bats. Ganyan talaga iyan pag malapit na mag-birthday.)

Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
Pag sinabing trisomy, ibig sabihin, 3 ang kopya mo ng isang chromosome sa halip na dalawa lang. (Ang normal na tao ay may 23 pairs ng chromosomes) Ang trisomy 21 (tatlo ang chromosome number 21) ay nagreresulta sa Down syndrome (”mongoloid”), trisomy 18 sa Edward syndrome at trisomy 13 sa Patau syndrome.

Matapos matunaw ang yelo ng iced tea, matapos magsawa sa pagkalam ang aking sikmura, matapos kong panooring magsubuan ng halo-halo ang magkasintahan sa tapat ng aking inuupuan (nakasampung pasahan sila ng kutsarita bago maubos ang kinakain), dumating ang waiter na may bitbit ng aking hapunan.

Hanggang dito ba naman, kailangan ko pa ring maghintay? {Continue reading}

Nasaan si roni_bats?

Polong Panligaw

Hint: Kasalanan ito ni dude. Sa kanya ko nakuha ang habit. Hehe.

Isang bagay na hindi mo kailangang malaman:
Kung isang araw, may makaaway kang Neurologist at sabihin niya sa iyong dahil sa galit niya e tatanggalan ka niya ng isang nerve sa katawan, makiusap ka. Sabihin mo, yung sural nerve na lang (isang nerve sa likuran ng binti). Sa lahat kasi ng peripheral nerves, sural nerve lang ang purely sensory at walang motor component. Ibig sabihin, lahat ng iba, pag tinanggal, may mapa-paralyze na muscle. Sa sural nerve, mawawalan ka lang ng sensation. Mas ok na yun di ba? Hehe.

Eto ang sandosenang pagkain na hinding-hindi ko hihindian. In no particular order. Hehe.

[01] Choco Mallow Pie. Akala ko dati, wala nang dadaig pa sa Peach Mango Pie. Subalit ako ay nagkamali. Gustung-gusto ko yung kombinasyon ng tsokolate at marshmallow na tunaw. Ang mas lalo pang nagpasarap sa kanya, hindi masyadong matamis yung tsokolate, medyo mapait-pait pa nga e. Kaya ako napapa-Jollibee lagi ngayon e dahil dito.

 

[02] Half-ziti with Meat Sauce. Kung mayaman lang ako, eto ang gagawin kong midnight snack araw-araw. At hindi ako magsasawa. 98 pesos sa Sbarro, kaya para makatipid, madalas, nagtutubig na lang ako (dinadagdagan ko pa kasi ng White Pizza pag yun na yung hapunan ko). Yun nga lang, depende sa branch kung gaano kadami ang ise-serve sa iyo. Sa Rob Place Manila, medyo madami-dami sila maglagay. Sa Southmall at Festival, hindi ka mabubusog. Masyadong mahal ang Whole Ziti. Nirereserba ko para sa mga espesyal na okasyon. *wink*

 

[03] Kwek-kwek. Kung hindi mo alam na ito yung itlog na kulay orange na sinasawsaw sa suka, saan ka bang planeta nanggaling?!? Wala pa akon injection para sa Hepa A, pero shet, bahala na. Masarap talaga siya kahit pa sabihing pagkaing kalye. Nga pala, kung kwek-kwek ang tawag pag quail egg, ano naman ang tawag kapag itlog ng manok na may kulay orange na harina? Sagot: kwak-kwak.

 

[04] Tokwa. May binibilhan ako ng tokwa dito sa may Pedro Gil. Walong piso isa, kaya dalawa lagi binibili ko. Masarap na side dish. Sulit na meryenda. Kapag nagpiprito nito dito sa bahay, isang mangkok ang kaya kong ubusin. Pwede na rin ang tofu sa ChowKing. Mahal nga lang.

 

[05] Beef Motong, Meryenda Size. Nabanggit na rin lang ang ChowKing, diretso na ako dito. Gusto ko lang muna linawin, kahit singkit ako, wala kaming lahing Oriental. Hindi kami Chinese. Hindi Japanese. Hindi Vietnamese. Kahit ano pang -ese. 100% Pinoy po ako. Pero mahilig ako sa noodles. At ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang Beef Motong ng ChowKing. Dapat may kalamansi. Kasi kung wala, nakakasuya. Hindi pala ako marunong mag-chopsticks. Hehe. Pwede naman kutsara at tinidor eh! =p

 

[06] Cadbury Dairy White. Adik ako sa tsokolate. Hindi ako nawawalan ng tsokolate sa apartment. Magugunaw ang mundo ko, pramis. Sa totoo lang, ang pinakagusto kong tsokolate ay Three Musketeers (malambot kasi at walang nuts; oo, ayaw ko ng mani sa tsokolate). Pero hindi ako madalas makakita nun e. Cadbury ang pinaka-abot-kamay. Syempre, abot-kamay na rin lang, gawin ko nang abot-bibig. Hehe.

 

[07] Mango ice cream. Kahit anong brand. Kahit umaaraw o umuulan. Kahit galing supermarket o nabili kay mamang sorbetero. Basta mangga, masarap.

 

[08] Jolly Spaghetti with One-piece Chickenjoy, Extra Rice, Iced Tea. Ako po ay batang Jollibee. Sinawaan kasi ako sa McDonald’s nung high school (paglabas mo ng school, McDonald’s ang sasalubong sa iyo). Kapag mag-isa lang akong kumakain, na dumadalas sa kasalukuyang panahon (awwww… hehehe, ang drama!), sa Jollibee ako kumakain. At ito ang madalas kong order. Nami-miss ko ang Jollibee sa 4th floor ng Megamall (kung saan ako nagtrabaho last summer) kasi sila ang naglalagay ng pinakamaraming sauce sa spaghetti. Ang crispy chickenjoy ay self-explanatory. Halos lahat naman ng Pinoy, gusto ng malutong na balat ng manok.

 

[09] 7-11 Baconsilog. Recent discovery nang minsang magpuyat ako sa Maynila at walang-wala na akong pera. Sulit. 35 pesos lang, 39 pesos pag may iced tea. Taliwas sa unang akala, maraming bacon. Bitin nga ang kanin e.

 

[10] Pepsi Twist. Naiinis ako kasi dati, sa KFC ka lang makakapag-order ng Pepsi Twist. Ngayon, maski sa kanila, wala na rin! Minsan, meron sa Tokyo Tokyo, pero depende sa branch. Gusto ko yung after taste niya. Madalas kasi, nasusuya ako sa tamis ng Coke. Pero ang Pepsi Twist, swabe. Yun na yun. Kaya lagi rin itong nasa ref namin sa apartment.

 

[11] Mango Iced Tea. Eto, either gustung-gusto mo siya, o ayaw na ayaw. Kakaiba ang lasa. Pero trip na trip ko. Humahagod sa lalamunan at masarap na pamatid-uhaw. Eto ang “juice” counterpart ng Pepsi Twist. Masarap kasama pag nagpupuyat para sa isang exam.

 

[12] Nescafe Ice. Kung hindi ito naimbento, malamang, marami-rami rin akong exam na hindi naaral na matino. Ito ang epektibong pamgpagising ko kapag madaling-araw na, hindi pa ako tapos mag-aral at gusto nang lumuwa ng mga mata ko. Mas masarap kapag tinimpla dalawang oras mag-review at nilagay sa freezer bago inumin.

Gumagana na po ang ID Pictures section ng website. =)

Kanina, nung pasakay ako ng bus, nahiya ako sa sarili ko. Paano ba naman, inunahan ko umakyat ang isang mama. Pagtapak ko sa huling baitang, ayun, nakita ko ang kanyang saklay. Pinauna akong sumakay ng isang mamang pilay. Inunahan kong sumakay sa bus ang isang mamang pilay. Dumiretso ako sa upuan, ni hindi ko man lang siya tinulungang makaakyat kahit na kitang-kitang hirap na hirap siya sa ginagawa niya.

Tsk tsk. Isa sa mga pagkakataong na-disappoint ako sa sarili ko. Siyempre tsaka ko lang naisip yun.

 

Nung Sabado naman, pauwi ako sa Las Piñas, may nakasabay akong bulag sa bus. Hindi ko alam kung paano siya nakasakay at kung bakit siya nakasakay ng jeep nang walang kasama; nauna kasi siyang sumakay sa akin.

Kaya ko napansing bulag siya e dahil nung simula, kaunti palang ang nakasakay, at kaming dalawa yung pinakamalapit sa driver (magkatapat kami). Yung mga nasa dulo ng jeep, syempre, nagpapaabot ng pamasahe. E di nung una, nagtataka ako bakit sa akin lang inaabot nang inaabot ng mga tao ang mga barya nila.

Maya-maya, may sumakay na pasahero. Inabot ang pamasahe sa mamang katapat ko na hindi ko alam e bulag pala. Umiling ang mama. At yun, tsaka ko lang naisip kung bakit siya nakasalaming itim (Malay ko ba kung nasisilaw lang talaga siya sa init ng araw!).

 

Pero natuwa ako sa driver. Kasi nung nagbayad ng bente pesos ang mamang bulag, sampung pisong pamasahe lang ang kinuha niya sa halip na disisais.

Hindi ko lang alam kung magkano nga ba talaga dapat ang discount para sa mga disabled.

 

At para makumpleto ang pamagat ng blog entry na ito, nung isang araw, may nakatabi naman akong pipi sa bus. Nung simula, hindi ko na naman namalayan na pipi siya. (roni_bats talaga oo, mahina sa perception…) Hindi ko rin kasi ugaling makipag-usap na lang ng basta sa mga nakakatabi ko sa bus eh (Defensive? Hehe)

Balik sa kwento. Nalaman ko lang na pipi siya nung naniningil na yung konduktor.

“Diretso [Lawton]?” Tanong ng konduktor. Tumango lang yung mamang pipi pala.

“May kasama ho kayo?” Umiling lang siya tsaka itinaas ang tatlong daliri ng kaliwang kamay, at pagkatapos ay gumuhit ng bilog sa kanang bisig.

Tingin ko, dun lang nalaman ng konduktor na pipi ang pasahero. Dun lang din ako napatingin sa katabi ko at nalamang pipi pala siya.

Pero hindi siya naintindihan ng konduktor. “Sino ho kasama niyo?”

Umiling ang mamang pipi at inulit ang senyas na nauna na niyang ginawa. Kumunot ang noo ng konduktor. Hindi ko rin sila maintindihan.

Nakisali sa usapan ang babaeng nakaupo sa kabilang aisle. “Boss, thirty pesos daw.”

Ayun, tumpak. Isandaan kasi yung binayad ng mama. At thirty pesos ang pamasahe mula Las Piñas hanggang Lawton.

 

Kakausapin ko sana yung katabi ko. Sa papaanong paraan? Ewan. Senyas? Para saan? Ewan. Wala lang.

Pero sa hanggang MIA road lang ako nung araw na yun. Pasakay kasi ako ng MRT at hindi papuntang Maynila. Buhay nga naman.

 

Hindi ko alam kung nasabi ko na dati, pero ako, ok lang sa akin na maging lumpo, bingi, pipi, kahit ano pang sakit, kahit AIDS pa yan o cancer,

…huwag mo lang ako bubulagin.

Tingin ko, yun ang hindi ko kakayanin sa lahat.

 

Hindi ko alam kung ano ang meron sa akin ngayon at mga taong may kapansanan ang nakakasabay ko sa kung saan-saan. Hmmmm. Pahiwatig ba ito? May dapat ba akong matututunan?

Kapag bukas, may nakasabay akong bingi, magsususpetsa na ako.

 

Magtutuli nga pala ang Frat namin bukas sa San Pablo, Laguna. Isang buong araw ng mga kupal sa titi.

Ilan kaya ang gagawing binata bukas ni Kuya Ronnie? Hehehe.

Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
Sa maniwala ka’t sa hindi, wala kang mararamdaman kapag hiniwa ang iyong utak. (Naalala mo pa ba si Hannibal?) Wala kasing sensory endings ang brain parenchyma; nasa meninges at blood vessels sila.

Wala lang. Gusto ko lang gamitin ang salitang pangkagipitan dahil natuklasan ko, sa tulong ng LRT 2, na ang Filipino ng salitang emergency ay pangkagipitan. Ngayon, bakit “emergency” blog entry? Wala nga lang e! Ang kulit! Hehehehe.

 

Dahil sabi ni Gelatin, ilipat ko raw lahat ng luma kong entries, e di ayun. Naglilipat ako ngayon ng mga Gutterboy at Ronnie-MD entries ko. Lahat sila ifa-file ko sa ilalim ng category na Gutterboy. Nakaisang taon din pala ako sa blogdrive. Yun kasi talaga yung panahong blog ako nang blog, hehe. Marami kasing oras nung first year, di gaya nung second year.

Sana ngayong third year, maraming oras!

 

Nga pala, naayos ko na yung links ko sa Writings section ng aking site. *turo sa blogpost sa ibaba* Hindi ko pa naayos ang ID Pictures page at Site Credits thou. Next week na, hehe.

 

Dahil katatapos lang ng sem, napapaisip na naman ako kung ano nangyari sa akin sa loob ng limang buwan. Hmmmm.

 

Nanood ng concert ng Jars of Clay. Nag-exam. Nabasa ang Da Vinci Code at Anges and Demons. Nag-exam. Lumipat sa Blogger. Nag-exam. Bumili ng domain at webspace. Nag-exam. Bumili ng libro ng HTML at Adobe Illustrator. Nag-exam. Nagkaroon ng bagong telepono. Nag-exam. Inasikaso ang website nung finals week. Nag-exam. At naghagilap ng magagawa para sa bakasyon at ngayong third year.

 

Nabanggit na rin lang, naisip ko na nasobrahan ata ako ng nakuhang magagawa para sa bakasyon at ngayong third year. Ganito kasi iyan. Centennial ngayon ng UP College of Medicine. E balak nilang maglabas ng newsletter. E di nung tinanong yung class president namin kung may volunteers sa class, pangalan ko yung isa sa mga binigay.

Hala, pagdating ng meeting nung mga “volunteer,” ako yung in-appoint na magiging student editor. Syempre, alangan namang tumanggi ako, sayang naman ang pagkakataon. Tsaka centennial newsletter ata ang pinag-uusapan, hehehe.

Tapos, may trabaho rin ako sa Frat. Di na nga lang ako mag-e-elaborate. Basta yun, may trabaho rin ako para sa buong taon.

At pag nagkataon, magtatrabaho rin ako para sa student publication ng College of Medicine.

Dagdag pa iyan sa pagiging kolumnista ko ng Peyups.

Uh-oh. Kala ko pa naman makakabawi ako ng tulog ngayong taong ito.

 

Di bale, maski papaano, gusto ko naman yung mga gagawin ko eh. Ü

 

Kung meron ka palang kakilala ng naghahanap ng pwedeng magtutor sa Math at Science para sa UPCAT, wala akong ginagawa (ang labo talaga ni roni_bats, hehe) ngayong bakasyon. Home tutorial, negotiable ang rates (depende kung taga-saan) at resume available upon request. Mura lang ang bayad, pramis. Hehe. E-mail mo na lang ako sa aking contact form. Salamat!

 

Integrated Clinical Clerk na pala ako sa pasukan. May duty hours na sa PGH. Pero marami pa ring klase. Internal Medicine ang unang rotation ko kasi Block 1 (out of 4) ako. Masaya daw pag ICC. Maraming free time. PInakamasaya raw sa buong med school. Sa isang banda, nakaka-excite. Bago eh! Mags-stay na talaga kami sa ospital. Pero nakakakaba rin kasi kapag medyo mahina ka sa diskarte sa mga pasyente, medyo tagilid ka ata.

Nga pala, di pa ako kumpleto sa bakuna. Tsk, tsk. Baka magka-Hepa ako nito ah.

 

Ikukuwento ko lang. Ayaw na ayaw ng Tatay ko na isinusuot ko yung isa kong polo na kulay blue. Bakit daw ang liit-liit pero ang hilig kong isuot! Lagi akong pinagpapalit kapag nakikita niyang yun ang suot ko.

Syempre hindi ako nagpapalit, hehe. Paborito ko kaya yun! Unang-una, hindi siya maliit na maliit. Palibhasa kasi, hindi abot sa siko yung manggas at hindi natatakpan ng laylayan ang zipper ng pantalon ko. At pangalawa, matagal ko nang narealize na mukha akong hanger kapag ang suot ko e mga maluluwag na t-shirt o polo.

Ayan, diyan nakikita ang generation gap namin ng Tatay ko, hehe.

Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
Ang Pap smear ay pinaiksing Papanicolau smear. (”Doc, san ba ako pwede magpa-Papanicolau smear?”)