Ronibats.com / 250 posts / 1,558 comments / feed / comments feed

Nahihiya ako sa sarili ko. Ikalimang taon ko na ito sa PGH, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin kabisado kung nasaan ang Ward (Insert Number Here) o ang Department of (Insert Department Here) o ang office ni (Insert Admin Official Here). Buti nga, maski papaano, naituturo ko na kung saan ang elevator, kung saan ang canteen at kung saan pwede umihi. Kapag nakaputi ka kasi talaga sa PGH, magnet ka para sa mga taong naliligaw at hindi alam kung saan hahagilapin ang pupuntahan nila. Halos linggu-linggo, may nagtatanong sa akin. Yun nga lang, malas nila. Kasing-”lost” lang nila ako. Hehehe.

…ang aking kanang kamay.

Sapagkat nung Linggo, nagsimula na ang pagdu-duty ko sa Department of Obstetrics and Gynecology. 12-hour duty, every three days.

Observation duty lang dapat nung Linggo, pero minabuti na namin ng mga ka-service ko (Service A) na magtrabaho. Mula 7 ng umaga hanggang 1 ng hapon, nasa Labor/Delivery Room ako. Mula 1 ng hapon hanggang 7 ng gabi, sa Admitting Section naman.

Wala pa akong gaanong ginawa sa Labor/Delivery Room. Labor watch lang. Patingin-tingin ng mga baby na dine-deliver ng mga residente at intern. May isang na-assign sa akin na pasyente, binantayan ko yung vital signs at contractions, pero hindi ko na siya nakitang manganak. Unang baby kasi niya at medyo matagal-tagal ang labor kapag ganoon.

Dalawang pasyenteng kakwentu-kwento:

BuntisYung una, complete breech delivery (”suhi”). Pero ang malaking katangahan doon (nino? Hindi ko alam), hindi nalamang breech yung baby. Nung ipasok sa labor room, lumalabas na yung paa ng bata. Tsaka lang na-realize ng mga residente na “O sh*t! Complete breech!” Ayun, dali-dali ang pagdeliver. Buti na lang magaling ang residente at nakakailang anak na yung nanay. Wala pang 10 minutes, baby out na. Naaaliw ako kung paanong hinugot yung bata mula dun sa puke ng nanay. Ang bilis ng mga hand manuever, kasi kung hindi, mamamatay yung bata (naipit sa puke?). Paglabas ng baby, cyanotic na cyanotic. Blue baby talaga, buong katawan. Pero ayun, ok naman, matapos ang ilang minuto, umiyak at masaya na ang nanay.

Yung pangalawa, katabi ng pasyenteng binantayan ko ang contractions. 18 years old, pangalawang anak. Grabe! 18 years old! Ang kakwentu-kwento sa kanya, iyak siya ng iyak. Teka, hindi nga iyak e. Ngawa siya ng ngawa. “Araaay. Ayoko na ng ganito. Ganito pala. Ang saaaaakit!” Sinisigawan nga siya nung residente e, “Misis! Ikaw lang ang umiiyak dito. Hindi lalabas ang baby kung iyak ka na iyak.” Sa loob-loob ko, ikaw kasi e, ang bata-bata mo pa, lumandi ka na (pasintabi po sa mga maseselan). Tsk, tsk.

Mas exciting sa Admitting Section. Siguro dahil first time ko. Natuto na akong mag-extract ng dugo at mag-insert ng IV line. At ayun, natuto na rin akong mag-Leopold’s maneuvers (paraan ng pagkapa sa baby sa tiyan) at… ten-tenenen… mag-internal exam!

Kaya hindi na virgin ang aking kanang kamay. Hehehe.

Ganun pala ang pakiramdam nun. Panlimang anak na nung nanay na ginawan ko ng IE, kaya hindi na ganun kasikip. Parang ipinapasok ko ang dalawang daliri ko (hintuturo at hinlalato) sa isang tipak ng gelatin. Sabi ng residenteng nanonood sa akin, explore daw. E di in-explore ko nga! Buti na lang vibes kami nung nanay. Hindi naman siya umaray nang umaray. Hehe.

Pero pramis, nahihiya akong tumingin sa mukha niya habang ginagawa ko yung IE.

Bukas, duty na naman ulit. Pero wards lang. Boring. Monitoring lang ng vital signs at pag-iinsert ng IV line. Pero sa Sabado, 12 hours sa Labor/Delivery Room.

Exciting.

Sana makapagpaanak na ako sa araw na yun.

At sana may picture kami ng baby at nanay. Hehehe.

Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
Ang fertilization o pagkikita ng sperm at egg ay hindi nangyayari sa uterus, kundi sa fallopian tube, ang nagdudugtong sa ovary at uterus.
warmbodies3

Lumabas na ang pangatlo at pinakabagong Warm Bodies na pinamagatang Nostalgia Galore. Ang Warm Bodies ay compilation ng mga blog entries ng mga Pinoy, at sa issue na ito, kasama ang isang blog entry ni roni_bats. I-download ang WB3! Huwag mag-alala, ito ay LIBRE!!!

PWA Trophy

Gawing maligaya ang Pasko ni roni_bats! Suportahan ang ronibats.com upang ito ang manalo ng People’s Choice (Personal Category) sa 8th Philippine Web Awards at maiuwi ni roni_bats ang tropeyo.

Text Votes: Ipadala ang WEBBYS VOTE 87 sa 2973 para sa Globe at Touch Mobile at sa 283 para sa Smart at Talk n Text.

Online Votes: Pumunta sa PWA website at mag-register upang makaboto.

Kasalukuyang nasa ikalimang pwesto ang ronibats.com. (Kulang kasi sa connections =p) Si roni_bats ay umaasang susuportahan siya ng kanyang mga mambabasa at ng mga kaibigan nila. Kung pwede lang naman. Hehehe Maraming salamat!

Si roni_bats ay matatapos ng medisina sa edad na beinte-kwatro.
Siya ay magbo-board exam nang taon ding iyon.
Pagkakuha ng lisensya, siya ay magpupunta sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas.
Kung saan man iyon.
Magiging doktor sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas hanggang sa edad beinte-sais.
Intarmed naman si roni_bats; pwedeng-pwedeng gamitin ang natipid na dalawang taon upang gawin ang nais.
Edad beinte-siyete, sisimulan ang residency training.
Sa ngayon, malamang ay pumasok siya sa Internal Medicine.
Tatlong taon.
Mukhang mapipilitan siyang sa Amerika mag-aral.
Kailangang kumita nang malaki-laki upang mabayaran ang lahat ng utang ng magulang para sa pagpapaaral sa kanilang limang magkakapatid.
Kung tutuusin, hindi naman nasisilaw si roni_bats sa mga magagarang damit, makikintab na kotse at magagarbong tahanan ng mga tinaguriang matagumpay na mga manggagamot.
Sapat na sa kanya ang manggamot.
Pero may mga utang na dapat bayaran.
Buhay nga naman.
Edad trenta, matatapos siya ng residency training.
Walang balak manatili si roni_bats sa Amerika.
May bago siyang naisip noong isang buwan lang.
Pipilitin niyang mag-volunteer sa Doctors Without Borders.
Magiging doktor sa kasuluk-sulukan ng mundo.
Kung saan man iyon.
Pakiramdam ni roni_bats, doon siya sasaya.
Sana.

Sana.

Nakakaaliw talaga ang mga bagay na ginagawa mo dahil gusto mo lang silang gawin, kahit hindi mo naman sila dapat gawin at marami kang iba pang dapat gawin.

Gaya ng pagsusulat ko.

Nung magsimula akong magsulat para sa Peyups, yun ay dahil gusto ko lang talagang magsulat. At nakakatuwa dahil maraming nagbabasa ng mga sinusulat ko. Maraming nagko-comment. Marami rin ang nagpapadala ng e-mail. Nakakataba ng puso.

At tulad rin ng paggawa ko nitong ronibats.com.

Nagsimula ako sa pagb-blog. Palipat-lipat at papalit-palit ng layout. Hanggang isang araw, naisip kong kumuha ng sariling domain.

Nag-aral ako ng HTML. Ng Adobe Illustrator. Ng konting Javascript at PhP. At ayun, nagkaroon ng ronibats.com.

Ngayon, semi-finalist pa ako sa Philippine Web Awards.

Nakakaaliw di ba? Lalo na tuwing maiisip ko na “Eh ginagawa ko lang naman ito dahil gusto ko!” Kung tutuusin, pwede naman akong mabuhay ng hindi nagsusulat. Ng walang website. Magiging doktor pa rin ako.

Wala lang. Trip lang.

Masaya.

Ganun ata talaga.

Pakiramdam ko, kung paggawa ng website o pagsusulat ang trabaho ko, mawawala ang saya. Ang thrill. Dahil magkakaroon na ng mga deadline. Mato-toxic na ang mga bagay-bagay.

Buti na lang, nagdo-doktor ako. Hehehe.

Pero akala ko, sa Web Awards na matatapos ang lahat. Kanina, nilapitan ako ng isa kong brod. May inire-refer siya sa akin na magpapagawa ng website.

May bayad. Hindi lang sa paggawa, kundi pati sa pag-maintain.

Kung matutuloy, ayos.

Sino naman mag-aakalang aabot ako sa ganito?

Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
Kapag ang gatas mula sa suso ng ina ay inilagay sa bote, maaari itong tumagal ng anim na oras. Kung ilalagay sa ref, hanggang 24 oras. At kung sa freezer, aabot ito ng tatlong buwan!

Ano kaya ang nasa likod ng garbabe bag na nakapaskil sa dingding? Hehehehe.

Destroy Plastic

Only in OB-Gynecology!

Sa pagtatapos ng aming two-week Ophtha rotation kahapon, napagtripan ng block kong mag-videoke kagabi sa Fats Fats sa Mabini. Dose ata kami kagabi, mula alas-diyes hanggang alas-dos ng uamga. Syempre, kumanta ako nang kumanta. At uminom. At kumain. At kumanta ulit nang kumanta.

Haha. Disaster.

Ano ang mga kinanta ko? Hands to Heaven ni Christian Bautista (nagfi-feeling), Can’t Help Falling in Love ng F4 (Na puro syllables na hindi ko maintindihan, basta tunog Intsik!), The Day You Said Goodnight ng Hale (Tu-tubeeee! Ma-raming tutubeeeeee! Dumapo sa ta-beeeee! At namaaaa-tay!), isang sablay na version ng Hari ng Sablay, sangkatutak na boyband songs (As Long As You Love Me, If I Let You Go, I Want It That Way…) at ang all-time favorite videoke song ko… Halik ng Aegis!

Sabi ko nga kagabi, kung nagkataon lang na binabayaran ng royalty ang Aegis tuwing kakantahin ang mga kanta nila sa videoke, milyonaryo na siguro silang lahat ngayon.

OB-Gyne na kasi kami next week. Six weeks yun. Toxic. Kaya bilang mga mababait na mga med student, nagdetox muna kami! Hehe.

Hindi naman talaga ako kumakanta. Kung pakakantahin mo ako, maaawa ka naman sa mga walang dalang payong. Kukulog, kikidlat at babaha sa kahabaan ng Taft. Pramis! Nung nagpaulan kasi ng magandang boses ang Panginoon, nagkataong dala ko yung payong ko. Ayun. Wala tuloy akong nasalo kahit “Do-Re-Mi” man lang.

Tingin ko, kaya nga naimbento ang videoke e para sa mga tulad kong sintunado. Para mapakanta ang mga taong hindi naman talaga kumakanta upang maprotektahan ang kanilang kahihiyan. Kasi kung maganda naman ang boses mo, aba, e dun ka sa TV kumanta. May Search for the Star in a Million at Pinoy Pop Superstar para sa iyo.

Kaya kagabi, ako ay kumanta nang kumanta nang kumanta nang kumanta. Paos tuloy ako ngayon, hehe.

Isa lang ang pinagsisisihan ko sa pagvi-videoke namin kagabi:

Hindi ako nakapanood ng Pinoy Big Brother. *rotfl*

Isang bagay na hindi mo kailangang malaman
Ang approximate volume ng bawat eyeball mo ay 7 mL.