Ronibats.com / 250 posts / 1,558 comments / feed / comments feed

Nabibilisan si roni_bats sa internship. Anim na linggo na ang lumilipas. Tapos na ang sampung porsiyento ng pagiging intern. Bukas magwawakas ang dalawang linggo niya sa Department of Orthopedics. Duty siya sa ER. Pagkatapos noon, wala na. Dahil wala naman siyang balak maging orthopedic surgeon, malamang ay hindi na siya ulit makapag-aassist pa ng operasyon sa buto. {Continue reading}

Matapos ang isang buwan, napag-isipan nang magpagawa ng PGH intern’s ID ni roni_bats kanina. Hinanap muna niya kung saan ang Personnel Division, dahil hindi pa siya kailanman nakapunta sa tanggapang ito. Nasa 2nd floor. Pumasok siya sa pinto kung saan nakapaskil “ID Transaction Tuesdays and Thursdays 8:30 to 11:30, 1:30 to 4:30.” {Continue reading}