Ronibats.com / 250 posts / 1,558 comments / feed / comments feed

…ang pinag-uusapan ninyong magkakaibigan pagkatapos ng mahaba-haba ring panahong hindi pagkikita ay ang inyong mga balak sa buhay bilang doktor. {Continue reading}

Nakatagpo ng bagong paboritong manunulat si roni_bats: si Haruki Murakami. Sa loob ng dalawang linggo, nakabili na siya ng apat na libro ng kuwentistang Hapon. Nauna niyang nadampot sa National Bookstore ang short story collection na The Elephant Vanishes. Dahil sale (340 pesos, dating 425 pesos), maganda ang puting pabalat (trade paperback, minimalist, may larawan lang ng mata), at naghahanap siya noon ng magagawa habang nasa Department of Psychiatry (eto talaga ang dahilan!), binili na niya agad ang libro. {Continue reading}

Dalawa’t kalahating taon nang ginagamit ni roni_bats ang cellphone niyang Nokia 6230. Sa loob ng nasabing panahon, masasabi niyang kuntento siya sa kanyang telepono: maliit, malambot ang keypad, colored screen, triband, may infrared, may Bluetooth, may radyo, may mp3 player, may camera at expandable memory pa! Masasabi niyang isa sa mga pinakamagandang modelo ng Nokia, kahit pa naglabas ng 6230i na may 1.3 megapixel resolution. {Continue reading}

Noong Grade 2 pa lang si roni_bats, pinangarap na niyang maging psychiatrist, hindi dahil sa gusto niyang makasalamuha ang mga nasisiraan ng bait araw-araw, kundi dahil masarap itong pakinggan at bigkasin: say-ka-ya-trist. At bihira ata ang nakaka-spell nito nang tama sa mga slumbook. Sa totoo lang, mas nauna pa niyang nagustuhang maging psychiatrist kaysa maging doktor. {Continue reading}

Ngayon ang unang araw ni roni_bats sa Department of Psychiatry. Natapos na rin siya sa wakas sa Department of Medicine. Pero sa halip na matulog at magpahinga, ang kanyang inasikaso ay ang kanyang gallery page. Praning talaga. {Continue reading}