Ronibats.com / 250 posts / 1,558 comments / feed / comments feed

Si roni_bats ay nawalan ng wallet at ng relo sa apartment na kanyang tinutuluyan kahapon. Laman ng kanyang wallet ang kanyang dalawang ATM, ang kanyang PGH ID, mga resibo, mga bagay na senti at halos siyam na daang piso. Ang kanyang relo ay regalo sa kanya nang siya ay magpuntang New York. {Continue reading}

Tinamad na namang mag-blog si roni_bats. Halos isang buwan din siyang hindi nakapagbukas ng kanyang website control panel o nakapag-check ng e-mail. Ni hindi nga niya namalayan ang pagwawakas ng 10th Philippine Web Awards. Muntik na pala siyang ma-disqualify sa finals dahil hindi siya naglagay ng “Finalist” logo/link (dahil akala niya ay sapat na ang text sa footer ng kanyang homepage). {Continue reading}

Noong bata si roni_bats, ang pakahulugan niya sa salitang trauma ay umiikot lamang sa emosyonal na aspeto nito. Paano ba naman, wala siyang ibang nabasa sa diyaryo, narinig sa radyo at napanood sa TV kundi “na-trauma sa nangyari” at “napaka-traumatic sa bata.” Laking gulat na lang niya sa subject na Health noong high school na ang mga physical injuries na dulot ng mga aksidente ay maituturing din na “trauma.” {Continue reading}

Halos araw-araw umakyat ng OR si roni_bats nitong nakaraang dalawang linggo niya sa Deparment of Surgery. Noong huling duty, tatlong beses siyang natawag para maging OR assist. Hindi naman siya nagrereklamo. Sa katunayan, natutuwa siya dahil marami siyang nakikitang iba’t ibang operasyon sa iba’t ibang bahagi ng katawan. {Continue reading}

Pinag-uusapan ng lahat ng sinabi ni Susan Mayer (Teri Hatcher) sa season premiere ng Desperate Housewives:

“OK, before we go any further, can I check those diplomas? Because I would just like to make sure they are not from some med school in the Philippines.”

{Continue reading}

Si roni_bats ay kasalukuyang nakaupo sa Pagkalma (ang tawag sa tambayan ng mga Phi), gumagamit ng WiFi habang naghihintay na siya ay tawagin upang umakyat ng operating room at mag-assist. Ganyan ang buhay sa Department of Surgery. Siya ay nasa ilalim ng GS 1, kaya’t ang mga operasyon na nakikita niya ay sa head and neck region. {Continue reading}

…ang pinag-uusapan ninyong magkakaibigan pagkatapos ng mahaba-haba ring panahong hindi pagkikita ay ang inyong mga balak sa buhay bilang doktor. {Continue reading}

Nakatagpo ng bagong paboritong manunulat si roni_bats: si Haruki Murakami. Sa loob ng dalawang linggo, nakabili na siya ng apat na libro ng kuwentistang Hapon. Nauna niyang nadampot sa National Bookstore ang short story collection na The Elephant Vanishes. Dahil sale (340 pesos, dating 425 pesos), maganda ang puting pabalat (trade paperback, minimalist, may larawan lang ng mata), at naghahanap siya noon ng magagawa habang nasa Department of Psychiatry (eto talaga ang dahilan!), binili na niya agad ang libro. {Continue reading}