Naghihintay ng OR Assist
Si roni_bats ay kasalukuyang nakaupo sa Pagkalma (ang tawag sa tambayan ng mga Phi), gumagamit ng WiFi habang naghihintay na siya ay tawagin upang umakyat ng operating room at mag-assist. Ganyan ang buhay sa Department of Surgery. Siya ay nasa ilalim ng GS 1, kaya’t ang mga operasyon na nakikita niya ay sa head and neck region.
Tinatamad siya ngayon. Gusto lang niyang magbasa ng mga nobela at matulog. Gaya kahapon. Matapos mag-duty ng 24 oras sa emergency room, kinailangan pa niyang magpunta sa Breast Care Clinic noong umaga, mag-assist ng thyroidectomy hanggang alas-dos at mag-update ng patient records hanggang alas-kwatro ng hapon.
Ayun, halos alas-singko na niya nakain ang kanyang “first real meal of the day.” Saan pa ba kundi sa Sbarro? Mahilig si roni_bats sa kahit anong may kamatis, kaya naman paborito niya ang pizza at pasta. Umorder siya ng isang slize ng pizza (Meat Delight) at half-plate ng pasta (Pasta Rustica with Meat Sauce), nagkakahalaga ng 220 pesos lahat. Nabusog naman siya. At dahil natulog na lang siya pagdating sa apartment (malakas ang ulan, malamig), isang beses lang pala siya kumain buong araw. Naalimpungatan siya bandang ala-una, pero natulog lang siya ulit. Paggising niya kanina, alas-sais y medya na. Dali-daling ligo at plantsa ng uniform, pasok na naman ulit.
Tungkol sa Breast Care Clinic, araw-araw iyon maliban kung Miyerkules (kaya nga wala siyang ginagawa ngayon). Doon tinitignan ang lahat ng babaeng may nararamdaman tungkol sa kanilang mga suso: bukol, pamamaga, nipple discharge. Liban sa breast augmentation kasi sa Plastic and Reconstructive Surgery naman sila.
Halos 100 pasyente ang nakikita sa Breast Care Clinic araw-araw, kasama na ang mga nagpapa-chemotherapy para sa breast cancer. Mabilisang pag-chart, mga importanteng tanong lang. Gaano na katagal ang bukol? Sumasabay ba sa regla? Lumalaki? Nawawala pa o parating nandun? Gaya sa ibang clinic, may mga dumadating na bagong pasyente, pero sa sobrang laki ng bukol magtataka ka kung bakit hindi kumonsulta nang mas maaga.
Nakakapagod sa dami ng pasyente. Mamamaga ang magkabilang kamay mo kakakapa. Siyempre, paulit-ulit ka ring maghuhugas ng kamay dahil ilang kilikili at suso na may iba’t ibang antas ng pagpapawis ang hinahawakan mo. Saglit lang naman si roni_bats sa clinic kahapon dahil pinatawag na rin siya para mag-assist sa thyroidectomy.
Dalawang department ang gumagawa ng thyroidectomy: Surgery at Otorhinolaryngology, mas kilala bilang ENT. Nag-aagawan sila ng pasyente, pero mas madalas ay sa ENT napupunta. Magkaiba rin sila ng technique ng pag-oopera. Siyempre pataasan ng ihi kung sino ang mas magaling. Ganun naman talaga basta mga siruhano. Payabangan. Sa mga nakitang thyroidectomy ni roni_bats, depende naman talaga sa nag-oopera, kahit saang department pa. Merong magaling. Pero meron din namang mga maaawa ka, gusto mo nang abutan ng atlas para lang matapos na kayo.
Sana hindi na siya tawagin para mag-assist sa OR. Gusto lang muna niyang magpahinga.
Meron kang isang thyroid gland at apat na parathyroid glands.
- Posted by roni_bats at 09:33 am
- Permalink for this entry
- Filed under: Internship
- RSS comments feed of this entry
- TrackBack URI
Mahilig ka rin sa pizza? *apir* XD
nakakapagod lng tumayo.ingat.
Paano ba nalalaman kung magaling yung surgeon?
eh di dami ka ng nakitang dibdib nyan? ibat ibang kulay ng sugat/bukol. kung swswertehin ka iilan lang cguro yung healthy…:)
i’ve been sa bcc once and nagpaconsult ako.
ang dami kong nakitang ibat ibang klaseng dibdib na may cancer…tipong pinapalabas yung dibdib ng pasyente ng mga docotr, ang mga pasyente naman ilalabas nga agad.
sabi nung 1 doctor na kakilala ko, mas magaling daw ent kapag sa head-neck region kesa sa gs kase mas alam nila yung area na yun.
nakakita na po ako ng thyroidectomy..five hours inabot nung operation..ang tagal!! kawawa nman ang mga assist na taga retract..
hmm…surgery naman rotation ko by december..ang alam ko din magkaiba ang style ng surgery and ENT when it comes sa thyroidectomy…meron sa kanilang mas OC,hehe, secret kung sino…anywey, actually nagmessage ako to say na i really enjoy reading your story! (alm kong ilang beses mo na ito narinig) pero still, makulit ako,hehe! kelan ka magsusulat ulit? pag may bago ka kasing work, naiinspire akong magsulat din..weird…writer din kasi ako…kaya enjoy talaga din ako magbasa…yun lng…njoy the rest of your internship…sana stay ka dito sa pinas!
parang pagod din ang blog mo.
“iba’t ibang antas ng pagpapawis” hehe
all the best!
tama depende tlaga un sa nag-oopera. minsan ang pangit tlga nung kinalalabasan.
ilang surgeries pa lang na-assist ko at na-observe ko. kulang pa nga ako ng cases sa major at minor surgeries. pahingi naman.hehe
isa pang hirit (off topic =P). Na-feature ang phi kanina sa PDI ah! Hehehe! :D
i remember, nung student ako at nagduduty sa aming affiliated hosptal,there was this on-going contest between the surgeons. padalian ng appendectomy. nung one time nag-assist ako, 14 minutes lang tapos na agad ang operation by our head resident. but i heard, he was beat by another resident with a difference of 2 minutes. scaaaary talaga! :)