Nanakawan sa OB
Kanina ang huling araw ni roni_bats sa OB ngayong 2007. Natapos din ang apat na linggo. Pero hindi pa tapos ang kanyang OB rotation. May natitira pang apat na linggo na kukunin nila sa April 2008. OB kasi una at huling department rotation ng kanyang block ngayong internship. Bukas, magsisimula na ang dalawang linggo ni roni_bats sa Ortho. May kamalasan lang na nangyari kay roni_bats sa kanyang huling ward duty sa OB. Nanakawan siya.
Oo, nanakawan siya ng 1.5 L na bote ng 7-Up. Sa sobrang init, nakagawian na kasi niyang bumili ng 1.5 L na softdrink tuwing magdu-duty. Nauubos niya iyon sa magdamag. Kahapon, inilagay lang niya ang bote ng softdrink sa refrigerator, malapit sa kanyang mesa sa loob ng Ward 15. Nagyeyelo ito nang inumin niya pagkatapos ng tanghalian. Pagdating ng hapunan, laking gulat na lang niya nang maglaho ang nasabing 7-Up.
Inis na inis si roni_bats dahil pawis na pawis na siya noon at pagod na pagod na kamo-monitor ng mga pasyente at kakukuha ng mga dugo. Ang nasa isip na lang niya ay ang pagguhit ng malamig na 7-Up sa kanyang lalamunan.
At dahil Linggo, sarado ang murang tindahan ng pagkain at inumin sa loob ng PGH. At dahil pasado alas-sais na ay sarado na rin ang mahal na canteen sa first floor. Napilitan tuloy siyang lumabas ng ospital at tumawid ng Taft, para lang mapawi ang uhaw. Lalo siyang nabuwisit sa kung sino mang lumapastangan sa kanyang nagyeyelong 7-Up sa freezer ng refrigerator, malapit sa kanyang mesa na walang sariling electric fan sa loob ng Ward 15.
Sa loob-loob ni roni_bats, buhay nga naman. Siya na nga ang nagpapakahirap sa pagsisilbi sa mga pasyente, siya pa ang aagawan ng malamig na inumin. Ang tanging hiling na lang niya, kung sino man ang nagnakaw ng kanyang softdrink, sana’y sira ngayon ang tiyan.
Isang bagay na hindi mo kailangang malaman:
Ang isang sanggol na babae ay isinisilang nang may dalawang milyong egg cells.
- Posted by roni_bats at 09:56 pm
- Permalink for this entry
- Filed under: Internship
- RSS comments feed of this entry
- TrackBack URI
hehe…murang iumin sa 2nd floor at mahal na inumin sa 1st floor…hehe…
ano ibig sabihin ng: ” Ang isang sanggol na babae ay isinisilang nang may dalawang milyong egg cells.”?
todo! pati inumin tinitira na. hehe
Baka ininom ni “ROBO-RAT!” hehehe…
He he he… Kung gusto mong mahuli ang nagnakaw sa malamig ng 7up. Ipahayag mong hinahanap mo ang nawawalang 1.5L 7up dahil aksidenteng nalagyan mo ng nakakalason na substance. Siguradong dali2 pupunta sa iyo ang kumuha.
Kuya Roni! Astig lay-out ng website mo! Ang linis tingnan! Tama ka diyan,sana nasira na ngayon ang tiyan nung nagnakaw nung softdrinks mo. Hmp!
wala ka bang sagot sa mga sinabi nila?
Oh ano? nahuli na ba ang kumuha ng 7-up mo?he…he…