Ronibats.com / 250 posts / 1,558 comments / feed / comments feed

Puwedeng Tulog Muna?

Duty na naman si roni_bats bukas sa labor and delivery room. Sa totoo lang, gusto pa niyang matulog nang matagal pero wala naman siyang magagawa kundi maghakot ng mga damit at bumalik nang muli sa Maynila. Medyo napapagod na siyang mag-duty, lalo na’t sobrang init ng panahon, pero isang linggo na lang naman siya sa OB kaya konting tiis na lang.

“Nanay, nagkaroon na ba kayo ng impeksyon sa puwerta?” tanong ni roni_bats sa isang pasyente sa outpatient department.

“Ha? Anong puwerta?” sabi ng pasyente.

“Sa puke po.”

At sila’y nagkaintindihan.

Noong Lunes pala, habang duty si roni_bats sa OB admitting section (OB emergency room), namatayan siya ng pasyente. Diabetic na may cervical cancer, halos 60 years old na ata. Unconscious na nang dumating at bagsak ang BP (60/40). Unang pasyente niyang namatay ngayong internship. Siya pa ang nagkabit ng suwero at kumuha ng dugo.

Masama ba siyang tao kung hindi na siya naaapektuhan tuwing nakakakita ng mga pasyenteng namatay at nakabalot ang buong katawan sa kumot?

Hindi nagawang kausapin ni roni_bats ang anak na naiwan sa tabi ng bangkay. Umiiyak yung anak at kinakausap ang namatay na nanay. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang tamang sabihin. O kung may dapat ba siyang sabihin.

Noong Huwebes naman, duty si roni_bats sa Ward 16, isa sa apat na wards ng OB. Higit 40 pasyente, at siya lang ang intern sa loob ng 24 oras. Lahat sila, mino-monitor kada apat na oras. Kinukuhaan din niya ng dugo ang lahat ng kailangang kuhaan ng dugo, at kinakabitan ng suwero ang lahat ng kailangang kabitan ng suwero. Siyempre, kailangan din niyang asikasuhin ang paperwork ng mga pasyente niya, pati ang paperwork ng mga pasyenteng kailangang i-discharge nang araw na iyon.

Mabuti sana kung aircon. Pero asa pa. Sobrang init, para siyang nasa loob ng sauna buong araw. Mabuti pa ang mga pasyente, may dalang kanya-kanyang electric fan. Si roni_bats, naligo sa sariling pawis buong duty.

Mukhang madi-discharge na pala ang pasyente niyang may gestational trophoblastic neoplasia, tapos nang mag-chemotherapy. Hinihiritan siya nang nanay: yung naunang intern-in-charge, nagbigay raw ng ice cream. Pinag-iisipan pa ni roni_bats kung magkakasya sa kanyang allowance kung magbigay siya ng kung ano man. O kung dapat ba siyang magbigay ng kung ano man.

Ang tanging hiling ni roni_bats, sana Martes na. Para post-duty na siya ulit. Pwede na ulit matulog nang buong araw.

Isang bagay na hindi mo kailangang malaman:
Ang labia majora ng mga babae ay katumbas ng scrotum ng mga lalaki.

5 Comments

  1. carmigz — May 22, 2007 #

    Ayan Martes na! Pwede ka na matulog ulit! lol!

    Hindi ka naman siguro “masama” dahil hindi ka na naaapektuhan ng mga ganyang bagay. Immune ka na siguro.

    Sana normal yan sa lahat ng mga taong nasa field ng healthcare. Nursing student po kasi ako pero takot ako sa dugo. lol!

  2. cathy — May 22, 2007 #

    Congrats on making it to today, Ronnie! :-)

    This post was heavy!!!

    I need to go take a shower and eat chocolate to make myself feel better. What a dose of reality.

    blessings and light,

    Cathy

  3. alma — May 27, 2007 #

    buddy,

    congrats at intern ka na. bilis talaga ng panahon. noon pinili ko pa lang ung libro na bob ong nung orientation ng class nyo tapos ngayon intern na kayo at clerk na kami. kami naman ang parang daga ngayong taon.

    nabasa ko ang short story mong “bantay”. galeng! tagos sa puso. naalala ko tuloy ung mga ward work nung 1st at 2nd year, pati na din ang pagkuha ng dugo ng unang beses.

    salamat at binuhay mo ulit tong blog mo. God bless and see you around the hospital. :)

  4. Pau — May 27, 2007 #

    ronibats/ ronnie m.d. (magiging doctor)!

    hehe, i got the cool “M.D.” abbrev from a BS Bio major friend of mine from AdMU who’s now an M.D. herself (thank God!). Ü

    really cool site. i “see” you here. rock on, dude…hehehe. ;)

    will visit “lightning craches” for your works, am actually looking forward to reading more. and we missed you guys yesterday at Dome Cafe Shang! lahat ng “characters” sa workshop natin, napag-usapan namin, LOL, sayang you guys missed it (*evil laugh*).

    we’ll have another coffee/ lunch/ inuman and reading (of our works) session Saturday June the 2nd at Figaro Shangri-La. do come, doc! maraming potential material dito for you haha and you can share your work there with us fellows and (hopefully) sir jun, carlo and lourd as our mentors.

    cheers, ronnie. take care of yourself as well as you do your patients now,

    pau Ü

  5. arvin — May 28, 2007 #

    woot! parte naman ng buhay niyo ang mga namamatay. think of it as a little price to pay once in a while for the many lives you’ve saved.

Leave a comment