Trodat

/tro-dat/ pangngalan 1. pantatak na ginagamit ng mga nars, clerk, intern at doktor ng Philippine General Hospital upang patunayan ang katauhan ng nagsulat sa reseta, lab request o chart ng pasyente; 2. maaari ring tumukoy sa mismong tatak (e.g., Hindi tatanggapin ang mga lab request na walang trodat.)

Sabi ng doktor, kailangan daw bigyan ng Barbie doll si Nikka upang gumaling. Hindi maiwasang mainggit ng siyam na taong si Eli. Makukuha na ng kanyang bunsong kapatid ang pinakaaasam nitong laruan. Samantalang siya, tatlong Disyembre nang humihiling ng robot, pero palaging nagtitiyaga sa t-shirt na nakakayanang bilhin ng kanyang ina.

“Anak, masama ang naiinggit sa kapwa,” sabi ni Aling Elsa sa anak noong nakaraang Pasko. “Tignan mo o, bagay na bagay sa iyo ang kulay,” dugtong nito habang inilalapat sa dibdib ni Eli ang t-shirt na pinaghirapang agawin sa iba pang nanay na gustong makamura sa tiangge.

It was the day before Valentine's.

I was on the bus home, pondering how I would spend my nth Single Awareness Day (or SAD, as our kind would call it), comforted by the thought of not having to buy overpriced flowers, not having to fall in line just to get the most foreign-sounding box of chocolates, and not having to bother about getting a haircut. Such is the resolve we take. And by “we,” I refer to people who have gotten tired of looking, and instead have contented themselves with waiting.

“Kuya, penge ng kulangot,” sabi niya.

Ang unang pumasok sa isip ko, hindi ko siya kapatid. Noon lang kami nagkita; nagkataong siya ang nakatabi ko sa bus pauwi. Kung akala niya, nadadala ako sa pa-“Kuya, kuya” ng mga taong hindi ko kilala, nagkakamali siya. Pangalawa, sa pagkakaalam ko, ang kulangot ay sinusungkit mula sa ilong upang ipahid sa ilalim ng mesa, idikit sa pader, iipit sa panyo, lunurin sa lababo o itapon sa basurahan. Hindi ipinapamigay ang kulangot. At pangatlo, sakaling nahihingi man ang kulangot, bakit ko naman ibibigay ang kulangot ko sa kanya? Habang nakasakay sa bus kasama ang humigit-kumulang animnapung pasahero?

Ako ay may alkansyang baboy. Taglay nito ay maputing kutis, nakaumbok na mga labi, mga pisnging tila kinukurot bawat sandali, at puwit na nanaisin mong iunan bawat gabi. Walang ibang nagmamay-ari sa kanya, kundi ako.

Matapos matunaw ang yelo ng iced tea, matapos magsawa sa pagkalam ang aking sikmura, matapos kong panooring magsubuan ng halo-halo ang magkasintahan sa tapat ng aking inuupuan (nakasampung pasahan sila ng kutsarita bago maubos ang kinakain), dumating ang waiter na may bitbit ng aking hapunan.

Hanggang dito ba naman, kailangan ko pa ring maghintay?

Katatapos lang basahin:

VALID XHTML » VALID CSS