Ronibats.com / 250 posts / 1,547 comments / feed / comments feed

Palimos ng Kulangot

“Kuya, penge ng kulangot,” sabi niya.

Ang unang pumasok sa isip ko, hindi ko siya kapatid. Noon lang kami nagkita; nagkataong siya ang nakatabi ko sa bus pauwi. Kung akala niya, nadadala ako sa pa-“Kuya, kuya” ng mga taong hindi ko kilala, nagkakamali siya. Pangalawa, sa pagkakaalam ko, ang kulangot ay sinusungkit mula sa ilong upang ipahid sa ilalim ng mesa, idikit sa pader, iipit sa panyo, lunurin sa lababo o itapon sa basurahan. Hindi ipinapamigay ang kulangot. At pangatlo, sakaling nahihingi man ang kulangot, bakit ko naman ibibigay ang kulangot ko sa kanya? Habang nakasakay sa bus kasama ang humigit-kumulang animnapung pasahero?

“Wala akong kulangot.”

“Meron e. Kakasilip ko lang kaya! Dali! Penge na!”

Napakabastos naman nitong batang ito, sa loob-loob ko.

“Sabi nang wala e. Nasaan ba ang nanay mo?”

May halong paninindak ang tanong, nang sa gayon, maligaw na ang usapan at ako ay makasandal sa bintana upang matulog.

“Wala akong nanay. At wala rin akong tatay. Bigla na lang akong lumitaw sa mundong ibabaw.”

Gaaaaad. Kawawa naman ang batang ito; wala pang sampung taon, mukha nang takas ng psychiatry ward. Manghihingi ng kulangot, pagkatapos, sasabihing sumulpot na lang na parang kabute. Ayoko nang itanong kung ano ang pangalan niya, baka sagutin ako ng “Jesus Christ” at hindi ko kayanin.

“Boy,” hinawakan ko ang kanyang ulo at inilingon patungo sa telebisyon ng bus, “Mabuti pa, manood ka na lang. Baka sakaling matutunan mong hindi nahihingi ang kulangot at hindi mina-magic ang mga bata.”

“Hmp, madamot,” sambit niya sabay irap.

O, huwag nang patulan, pagpipigil ko sa sarili. Bata iyang aawayin mo, post-duty ka pa. Isang buong araw ka nang gising kakapaanak ng mga nanay, itulog mo na lang iyan.

Nakatitig na sa tv ang namamalimos ng kulangot. Kasalukuyang ipinapalabas ang isang tatay na nanghihingi ng donasyon para sa anak niyang may hydrocephalus: “Madalas nga, tinatanong naming mag-asawa sa Diyos, bakit kami pa? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ang nag-iisang anak pa namin ang magkakasakit ng ganito.”

Mahirap siguro maging Diyos. Bagsakan ka na nga ng lahat ng hiling, bagsakan ka pa rin ng lahat ng sisi.

Araw-araw ko nang nakakasalamuha ang mga pasyente ng PGH. Hindi ko na sila kailangang mapanood sa telebisyon. Ikinabit ko ang baon kong earphones at pinatugtog ang radyo ng aking telepono. Kinakanta ng Hoobastank ang “I’m not a perrr-fect perrr-son….”

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 24 na oras, ipinikit ko ang aking mga mata.

Ginising ako ng marahang pagtapik sa aking balikat.

“Boss, saan kayo?”

Ang konduktor, naniningil ng pamasahe.

“Southmall, galing PGH, estudyante.”

Dinukot ko ang mga nakahandang barya sa aking bulsa. “Sino nga pala ang nagbayad dito?” pabulong kong tanong habang inginunguso ang katabi kong nakatulog din pala.

“Iyan? Walang bayad iyan,” mabilis niyang sagot saka abot sa akin ng tiket.

“Bakit?”

Subalit lumipat na siya sa susunod na hilera ng mga pasahero.

“E wala talaga akong bayad e!”

Aba! Gising pala ang mokong.

“Ano? Bibigyan mo na ako ng kulangot?”

Kung nagkataong may hawak siyang baril, malamang nakatutok na ito sa butas ng ilong ko. Para lang sa walang kakwenta-kwentang kulangot na gawa sa aking uhog at sa alikabok mula sa Ospital Heneral ng Pilipinas.

“Teka nga. Seryosong tanong, at kailangan ko rin ng seryosong sagot. Nag-iinit ang ulo ko sa mga pilosopo.”

“Tapos, ‘pag sinagot ko ang tanong mo, bibigyan mo na ako ng kulangot? Yehey!”

“Aanhin mo ba ang kulangot ko?”

Sa pagkakataong ito, umasa akong sisigaw siya ng “Wow! Mali!” o kaya ay “Yari ka!” at pagkatapos ay ituturo sa akin ang kamerang nakakubli sa isang maleta sa kabilang hanay ng mga upuan.

“Wala lang. Nangongolekta kasi ako ng kulangot.”

Uh-oh. Oras na para tumawag sa mental.

“E bakit hindi ka na lang mangulangot buong araw at magdamag?”

“Gusto ko kasi kulangot ng iba.”

“Ha? Aanhin mo naman ang kulangot ng iba?”

“Kinokolekta ko nga e. Ang kulit mo naman Kuya!”

At ako pa raw ang makulit!

“Bakit nga? Aanhin mo naman ang kulangot ng ibang tao?” Nakakunot na ang noo ko. Hindi na ako natutuwa.

“Wala lang.”

Weirdo. Mas gugustuhin ko pang mabiktima na lang ng isang practical joke show kaysa makipagtalo sa batang ito.

“Hindi pwedeng wala lang. Hindi pwedeng walang bakit.”

“Bakit naman hindi?”

“Ganun talaga kapag tumatanda ka na. Hindi pwedeng ‘wala lang’ dahil lahat ng bagay, may dahilan. Lahat ng pangyayari. Lahat ng hindi nangyayari. Lahat ng tuwa. Lahat ng luha. Lahat ng pagod. Lahat ng sakripisyo. Lahat ng nakakalimutan. Lahat ng nagbabago. Lahat ng nabubuhay. Lahat ng nagkakasakit. Lahat ng namamatay. Kahit kulangot ko, may dahilan kung bakit nasa ilong ko at wala sa kamay mo!

“Kapag matanda ka na, mahirap tanggapin na ang lahat ay nangyayari dahil ‘wala lang.’ Na lahat ng paghihirap mo sa araw-araw ay wala namang patutunguhan, at sa huli ay wala ring saysay. Para mo na ring inamin na ang buhay mo ay walang silbi. Naiintindihan mo ba iyon?”

Tulala ang bata.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.

Anim. Pito. Walo. Siyam. Sam-….

“Ang sungit mo naman. Madamot ka na nga, masungit pa. Mabuti pa yung katabi kong babae kanina, binigyan agad ako ng kulangot. Wala nang ‘Bakit? Bakit?’”

Grrrr.

“E ‘DI SA KANYA KA HUMINGI, HUWAG SA AKIN!”

Akala ko, mapapaiyak ko ang batang walang nanay at walang tatay. Lagot kapag nagkataon.

Pero hindi siya umiyak. Bagkus, siya ay tumayo, nag-ayos ng nagusot na damit, humarap sa akin, tinitigan ako sa mata at nagsabing, “Alam mo, yung babaeng nagbigay sa akin ng kulangot, mas masaya siya kaysa sa iyo.”

Tinawag niya ang konduktor. Pinahinto ang bus at dali-daling bumaba.

Si Kuya?

Tulala.

Isa. Dalawa. Tatlo.

Apat. Lima. Anim.

Pito. Walo. Siyam.

Sampu.

49 Comments

  1. DeRick — November 23, 2005 #

    =D

  2. randell — November 24, 2005 #

    badtrip. i’m always caught between those two ways of thinking. araw-araw. halos sa lahat ng bagay na gagawin ko.

    sarap uli makabasa ng mainit-init na kulangot. este, bagong LC. :)

    da best ka talaga ronnie!

  3. linchpin — November 24, 2005 #

    gross!!! roflmao.

    nakakatawa na seryoso. :)

    talagang lahat ba may dahilan? parang intelligent design ang trip ah.

  4. ninong — November 24, 2005 #

    haneps…

    astig…. ang lakas talaga ni kuya… hahaha…

    the wait is worth the while.

    more. more. more… hehehe.

    hmmmm…pero kung ako…di ko rin sya bibigyan ng kulangot…kahit may dahilan pa sya…hehe.

  5. tyron — November 24, 2005 #

    heloo! ayos..
    gusto mo ng kulangot? meron ako..
    hehe..
    kahit cguro gusto ko pa syang bigyan, ndi paren kase nakadikit na sa pader..
    :)

  6. hectorOFtroy — November 24, 2005 #

    ..baka akala nya intsik ka kya humihingi ng kulangot mo.. opinyon ko lang po ito..
    hehe..

    ..astig ng artik!..

    ..pag nakasabay ko yung batang yun blackhead na lang ibibigay ko.. puede kya?.. =]

  7. gelai — November 25, 2005 #

    Siguro nga mas masaya ang nagbigay ng kulangot keysa sa hindi. Dahil ang nagbigay ay nagparaya. Ang nagbigay ay hindi toxic. Ang nagbigay ay nakuha sa simpleng paliwanag.

    Minsan ang kaguluhan ng buhay ay sadyang sa sarili natin nanggagaling. Ang mga simple ay ginagawa nating komplikado. Ang lahat ay laging hinahanapan ng dahilan. Kaya hindi taio nagiging kuntento. Kaya hindi taio natatahimik. Kaya hindi tayo nagiging malaya. Kaya hindi tayo nagiging masaya.

    Hindi ba talaga natin kayang tanggapin ang ‘wala lang’?Haaaayyy….

    Ang galing galing mo talaga! Astig! Buti na lang di ko nakasakay ang bata sa bus, pareho pa naman taio ng sinasakyan na byaheng southmall kundi natulala din ako. hehe,,

  8. arvin — November 26, 2005 #

    natameme ako… nde ko kc mawari ang nangyari sa huli…

    at bakit kaya masaya ung nagbigay ng kulangot? weird.

    at kelan pa kinokolekta ang kulangot? weird.

    …pero nakakatuwa. ;)

  9. Dr. Fil — November 26, 2005 #

    I don’t understand. What are the last few lines supposed to mean?

  10. jampings — November 27, 2005 #

    Galing ng kuwento… ang pagka intindi ko …. LAHAT NG TAO MAY PAGKAKAIBA NA DAPAT IRESPETO..

    MORE!!!

  11. nath — November 30, 2005 #

    wow!!!nakaka amaze ka magsulat
    keep it up….gift yan e,

  12. pusa — November 30, 2005 #

    amp! natawa ako! para akong baliw sa office… posible kayang may chapter two ito?

  13. dr malen — December 1, 2005 #

    hey, grabe na toh!
    i take the same route, thank God wala namang nanghihingi ng kulangot ko, may mga holdapers lang, lalo na sa baclaran..
    Cool artik, makes you think!
    Keep it up! Go intarkid!

  14. jayvee briones — December 4, 2005 #

    eeewwww….

    bakit ka nga naman mamimigay ng kulangot?…

    gross…

  15. erasmusfem — December 6, 2005 #

    ang galing!
    ang lupit tlga ng artiks mo roni.

    ipinabasa ko nga pla sa mga friends ko ang artik mo at mejo naguluhan sila sa last few lines.

    nweis kip up the good work. ang tagal ko rin naghintay ng artik mo pro funny tlga kya worth it ang paghihintay ko.

  16. ca — December 9, 2005 #

    tulala din ako ah…

    (matapos mahimasmasan…)

    Bakit ang galing-galing mo??

  17. Kriz — December 20, 2005 #

    ‘Kahit kulangot ko, may dahilan kung bakit nasa ilong ko at wala sa kamay mo…’

    I think that was the deepest line, Roni. :)

  18. lotty — December 21, 2005 #

    ahh.. ehh.. yung kulangot ba na ‘yon e maihahalintulad sa pag-ibig… haha. ewan ang labo.. senti lang..

  19. IRENE JOY PABLICO — December 23, 2005 #

    KUYA!AY D PALA….D NAMAN KITA KAMAGANAK D BAH?ANG GALING-GALING NAMAN PO NINYO…NAPATAWA TALAGA NINYO AKO….TULOY YUNG GWAPONG KATABI KO DITO SA CAFE NAKATAAS ANG KILAY……WEHEHEHEH…..SIMPLE LANG PO ANG GAWA NINYO PERO ANG GANDA-GANDA TALAGA!!!!AY PAULIT-ULIT NA LANG AKO….SIGE BYE NA PO AT SANA MAS MARAMI PANG NAKAKATUWA AT NAKAKATAWANG ARTICLE KAYONG GAWIN…..HEHEHE…INGATZ AT MALIGAYANG PASKO…..

  20. kamandag_ng_barakuda — December 25, 2005 #

    Mukha nga masmasaya yung babae kaysa sa iyo… buti pa siya may pamasko sa bata, ikaw wala… hehehehe!!!

    galing, amusing yung mga stories…

  21. marksee — December 29, 2005 #

    hindi lang nakakasawa, hindi lang medyo nakakadiri at nakakapanindigbalahibo. may aral, dilemma at grabe. “nilagyan ng katatawanan ang isang seryosong bagay upang mabigyan ng kaukulang pansin.” gandang edeya..

  22. mylene — January 4, 2006 #

    huh!!kulangot..napakalaim naman..ang intindi ko ha..correct me if i am wrong…namamalimos b cya ng barya????bobo ko no…sana pinagbigyan mo na…wawa naman ung bata…galing mo…masyadong malalim ung kwento….

  23. bonita — January 7, 2006 #

    do have have to understand the moral lesson of the story???
    wahhhh!!!!!! wa ko kasabot!!!!

  24. dhhooogz — January 8, 2006 #

    maybe the boy was right, mas masaya nga yung girl na angbigay sa kanya ng kulangot kc sa feb pa cya ob rotation.

    iba ka, when i’m post, i tried not to think anymore. pero i know the feeling, sarap kasi eh, alam mo yun sabog ka. cge, sulat ka pa

  25. jenny — January 15, 2006 #

    astig! malalim. makabuluhan. masayang basahin. bihira lang akong makakita ng matinong articles ng ibang tao. katulad ng sayo. salamat!

  26. BILLYjoe — January 18, 2006 #

    lakas!

    pretty neat but a little eeew.

    the fusion of the yuck and the moral really moved me to thinking. we ought to choose what we want to happen but the underlying effects is yet to be known.

    how we are reasons out our own decisions.

    hindi pwedeng wala lang.

  27. maris — January 21, 2006 #

    nakaka-aliw ka naman magsulat!!! napaisip tuloy ako… may nanlilimos kaya talaga ng kulangot??
    masubikan ko nga.hehe.
    nakakatuwa ang article mo… astig!=)

  28. jen — January 31, 2006 #

    napaka wierd ng mga pangyayari………..hindi ko maintindihan.Pero kailan pa kinukulekta ang kulangot?

  29. lovel — February 5, 2006 #

    may mga bagay talaga minsan na dapat gawin mo na lng.. wala ng tanong tanong..

  30. lovel — February 5, 2006 #

    may mga bagay talaga minsan na dapat gawin mo na lng.. wala ng tanong tanong..

  31. emma — February 8, 2006 #

    two thumbs up!…

    azteeg k tlga!..;p

  32. margaret — February 8, 2006 #

    kadidiscover ko p lang ng site na to.. astig na kulangot yan… may lesson akong natutunan pero akin na lang yon… MORE!!!

  33. char — February 16, 2006 #

    sa una d ko na-gets but after re-reading
    ang saya pala!!

    BON!

    BRAVO!!

  34. ara — February 28, 2006 #

    ang galing mio naman!!!
    i agree with KRIZ about the line na “kahit ang kulangot ko may dahilan kung bakit nasa ilong ko at wala sa kamay mo..” na yan ang deepest line…
    alam mo, di ako nagbabasa ng mga tagalog na artiks… yung sayo lang!
    galing mo!!

    astig ka tol!

  35. Rye — March 7, 2006 #

    Lam mo badtrip ako ngayong araw na ito eh.. pero napatawa mo ako sa storya mo.. hindi ko alam kung maiinis ako sayo kasi sobrang “kadiri” kaya yung kwento mo… pero ayos.. nice twist… something serious yet hilariously funny.

  36. ANNALIZA — March 16, 2006 #

    maganda ung story kya lng sobra nman pti ung bgay n un eh…..hinihingi pahhhhhhhhhh………………………………..

  37. kevin — March 26, 2006 #

    hehe… magiging masaya nga siguro tayo kung maging marunong tayong tumanggap ng “Wala Lang”…

  38. joel — April 2, 2006 #

    kuya roni,, fiction po ba ito o non-fiction?

  39. Mae — May 26, 2006 #

    totoo nga no? pag matanda ka na, kailangan lahat na may dahilan.
    kaya siguro masarap maging bata, pwede mong tanggapin lahat…
    pati kulangot ng iba.

  40. omar — June 21, 2006 #

    natuwa naman ako sa blog mo. talaga bang nangyari to?

  41. jom — June 29, 2006 #

    nice…. d ko gets.. lol.. nice story 2 reflect on

  42. janine jose — July 10, 2006 #

    penge ng kulangot?

  43. Aya — July 13, 2006 #

    AstiG!!!

  44. jac — August 8, 2006 #

    Hi! really nice.. i used to read PEYUPS but nag-Cut ng budget so no more copies for cebu… the fourth year of my stay sa UP-Cebu wla na kaming binabasang PEYUPS. Nice to read your artiks! so happy to bump over. :)

  45. jenifer — August 13, 2006 #

    thanks

  46. Narcisa — August 21, 2006 #

    anu kya qng bibigyan mo nga nmn..

  47. ericka — August 22, 2006 #

    wow, galing!!!
    natameme din ako sa galing mo magsulat.

    may nanghihingi ba talaga ng kulangot?

    …there’s joy in giving!… ;O)

  48. nhest — October 23, 2007 #

    wah,,
    ayos….
    yon ang may dating…
    minsan ipinagwawalang bahala natin ang mga bagay na akala natin ay walang kwenta..
    may mga bagay tayong itinatapon nalang kung saan, hindi natin makita ang kahalagahan.
    na sa simpleng bagay pala na yon ay may mapapasaya tayong tao.
    madali nating itapon pero pag may humihingi na ay ipigdadamot natin. . .

    GODBLESS PAREKoY>>>
    UR D BEZZZZZZ

  49. jeck — December 26, 2007 #

    asteeeeeeeeeeg ang title…

    galing talaga…

    ;-)

Leave a comment