Ronibats.com / 250 posts / 1,558 comments / feed / comments feed

Alkansya

Ako ay may alkansyang baboy. Taglay nito ay maputing kutis, nakaumbok na mga labi, mga pisnging tila kinukurot bawat sandali, at puwit na nanaisin mong iunan bawat gabi. Walang ibang nagmamay-ari sa kanya, kundi ako.

“Kapag may isinuksok, may madudukot.” Iyan ang laging sinasabi ng aking tatay noong ako ay bata pa. Lingid sa kaalaman ni Nanay, hindi bumababa sa tatlo ang bilang ng alkansya ni Tatay. Mahilig siya sa mga alkansyang kawayan, at tuwing mahuhuli ko siyang nagsusuksok sa mga ito, hindi ko maiwasang mainggit at maghangad na magkaroon ng sariling alkansya.

Gayunpaman, ayaw ko ng kawayan. Ang gusto ko ay alkansyang baboy, at sapat na sa akin ang isa.

Ang pag-aasam ay nagkaroon ng katuparan nang ako ay umalis sa poder ng aking mga magulang at magkatrabaho. Tatlong araw matapos ang unang sweldo, napasaakin ang pinakaaasam kong alkansyang baboy.

Maputi ang kutis. Nakaumbok ang mga labi. Tila kinukurot bawat sandali ang mga pisngi. At ang puwit ay nais kong iunan bawat gabi.

Ako ay nagsuksok. Nagsuksok. At nagsuksok pa.

Noong una, tuwing sweldo ko lang nilalagyan ng laman ang aking alkansya. Subalit hindi naglaon, ang pagsusuksok buwan-buwan ay naging linggu-linggo, at saan pa nga ba hahantong ang linggu-linggo kundi sa araw-araw?

Masarap pala, lalo na’t masikip ang butas ng aking alkansya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong magsuksok. Magsuksok. At magsuksok pa.

Pero nitong nakaraang buwan, may napansin akong pagbabago sa aking alkansya. Lumalaki ang kanyang tiyan. Ang baboy ay lalong nagiging baboy.

Nang tanungin ko ang aking alkansya tungkol dito, tumugon ang aking baboy, “Ito na ang pinakahihintay natin. Ilang buwan na lang, may madudukot na tayo.”

Huh?

Wala akong hinihintay. Ayoko ng madudukot. Ang gusto ko lang ay magsuksok.

Oras na upang sungkitin ang laman ng aking alkansya. Sumaglit ako sa Quiapo, at umuwing bitbit ang isang banig ng tabletas at iba’t ibang boteng naglalaman ng mga ugat, sanga at dahon. “O eto, ikaw na ang pumili kung ano ang gusto mong inumin. Kung ayaw mo namang ipasungkit sa akin ang laman ng tiyan mo, magbihis ka. Maghahanap tayo ng doktor na susungkit diyan.”

Pero ayaw tuminag ng aking baboy. Gusto niyang mabuo ang laman ng kanyang tiyan.

Hindi ba niya naiintindihan? Ang laman ng kanyang tiyan ay akin, hindi kanya. Ako ang nagsuksok, siya ay isa lamang lalagyan. Kung ano ang gusto ko, iyon ang masusunod.

Kaya ngayon, ako ay may hawak na martilyo at ang aking alkansya ay nakakulong sa kwarto. Napag-isip-isip ko, isang bagay lang ang ginagawa sa alkansyang baboy kapag ayaw nitong ipasungkit ang kanyang laman:

Binabasag.

++++++++++++
Hindi lahat ng kwento, kailangang magwakas na masaya.
Dahil minsan, kung hindi ka gigimbalin ng katotohanan, hindi mo malalamang may problema pala.
(Ilalagay ko dapat dito ang numero ng PGH Women’s Help Desk pero hindi ko pa naitatanong. Bukas.)

20 Comments

  1. Angela — August 26, 2005 #

    Nagsasalitang baboy! Pakiramdam ko malaki ang impluwensiya sa iyo ni Gaiman, haha.

  2. rald — August 28, 2005 #

    hehe, nakakatuwa at nagsalita yung baboy. :) hehehe. ambabaw ko…

  3. walang pangalan — August 29, 2005 #

    walang masabi.

    hindi joke lang. hehe

    ang galing. napakahusay na paggamit ng simbolismo para makapagsalaysay ng isang kwentong makahulugan at sa tingin ko’y napapanahon.

  4. linchpin — August 29, 2005 #

    i love the writing. the words. it’s a bit gaiman-ish but the voice is very you, of course. :)

    i just wanted something more at the end. a darker resolution? not sure. but something.

  5. roni_bats — August 30, 2005 #

    ANGELA, RALD
    Syempre yung baboy ang napansin! Hahahaha.

    WALANG PANGALAN
    Maraming salamat sa pagbabasa at sa pagko-comment =)

    NIKKA
    Hindi pa ba dark yung “Binabasag”? Hehe. Homicidal na nga yun e. =p Gusto mo dagdagan ko pa ng paragraph? =)

  6. linchpin — August 30, 2005 #

    haha. that’s your call.

    siguro kase alang literal blood and gore, hehehe. battle royale style.

  7. Johanna — August 31, 2005 #

    hindi ko makita yung “homicidal” angle sa salitang “binabasag” . kung na elaborate siguro kung pano binasag or kung pano binabasag…dark na yun. hehe. just my two cents.

  8. Ryel — September 10, 2005 #

    I just read this one. What can I say? Are there special prizes for those who get social commentary angle the first time? Hehe.

  9. ace — September 18, 2005 #

    mahilig din ako gumawa ng story at paborito ko rin si Neil gaiman. Try mo bsahin Good Omen kung skaling hindi mo pa nababasa.

    ang galing mo talaga. Isa ka sa mga paborito kong promising writer bukod sa kin ( joke lang) at bukod na rin pla sa friend kong si Michelle.

    Sabi raw ni Michelle, kung maari daw na maging alkansiya mo raw siya. WILLING!! IM NOT JOKING *wink*

  10. totle juice — September 28, 2005 #

    waaw! ang lupet ng comments nila, kasi di ko pa nababasa writings eh.

    try ko lang muna mag submit bago basahin!! heheh

  11. Jeru — October 1, 2005 #

    As usual, natuwa na naman ako sa pagkalathala ng bagong artikel. =)
    Isang makabuluhang kwento na dapat mabasa ng lahat ng tao. Sana ma-post sa dormitory corridors.

  12. irene — December 23, 2005 #

    iba talaga ang tatak ronibats

  13. marksee — December 29, 2005 #

    nabubulag ng katatawanan ang tunay na kahulugan. aral: balang araw, may mga bagay o tao na aalis at mawawala.. kalangan lang natin tanggapin. tama ba? 16yrsold lng ako e..hehehe

  14. paola — January 25, 2006 #

    astig!!! ang galing ng pagkakagawa ng artik mo hehe nung una diko magets pero now alam ko na ….. hehe kip it up!!!!!!!!! gudluck and god bless.=)

  15. julie — January 29, 2006 #

    suicidal yung “binabasag.” sa interpretation ko. wala lang.

  16. jen — January 31, 2006 #

    saan mo nakuha ang esturyang yan?Nabasa ko na yan ahhhhhhh!!!!!!!!!! joke lang heheheheh!!!!!!

  17. Char — February 17, 2006 #

    ang ganda ng aral:

    Pagkatapos ng sarap, ayaw tanggapin ang kabalikat na hirap… PINOY KA NGA!

  18. aira — March 9, 2006 #

    SANA MAG KAROON DIN AKO NG ARIKANSYA PAG MAYROON AKONG ARIKANSYA LAGI KO LANG SINUSUNG KIT

  19. ANNALIZA — March 9, 2006 #

    OK… LANG UNG KWEN2 SNA MG KARON DN ME NG ALKANSYA….PRO IND UNG LUMALAKI UNG TYAN NYA……….

  20. torchie — April 7, 2006 #

    Great writing… A symbolism at its best…

Leave a comment