Ronibats.com / 250 posts / 1,558 comments / feed / comments feed

Sa ChowKing

Matapos matunaw ang yelo ng iced tea, matapos magsawa sa pagkalam ang aking sikmura, matapos kong panooring magsubuan ng halo-halo ang magkasintahan sa tapat ng aking inuupuan (nakasampung pasahan sila ng kutsarita bago maubos ang kinakain), dumating ang waiter na may bitbit ng aking hapunan.

Hanggang dito ba naman, kailangan ko pa ring maghintay?

Inilapag ng waiter ang mangkok ng chao fan, ang plato ng beef motong at ang platito ng mantao. Ihinuli ang tissue at dalawang pares ng kubyertos na nakabalot pa sa papel upang hindi madumihan. Panandaliang sumagi sa aking isip na isauli ang isa. Aanhin ko naman iyon? Mabuti nga’t makakatulong pa akong matipid nila ang isang patak ng dishwashing liquid.

Pero huwag na lang. Sayang sa laway. Tutal, kasalanan naman nila iyon e; hindi dahil dalawa ang order ko, chao fan at motong, e dalawang tao rin ang kakain. O baka naman naniniguro lang talaga sila. Sabagay, mas mabuti na ang sobra kaysa kulang. Pero teka, hindi ba napansin ng kahera na isang iced tea lang ang order ko?

Ang diskurso sa aking isipan ay naantala ng matingkad na kulay blue at orange na hindi nawawala sa gilid ng aking paningin. Nang iangat ko ang aking mga mata, kinakausap pala ako ng waiter.

“Sir!” Medyo malakas, pang-ilang beses na kaya niyang inulit iyon? “May kulang pa ho ba?”

Oo, meron pang kulang. Hindi nga lang pagkain.

Umiling ako, saka ko inabot ang table number na tangi kong kasama sa halos tatlumpung minuto ko ring paghihintay sa aking makakain. Kung hindi lang masarap ang motong ninyo, hindi ako magtitiyaga rito.

Blue at orange. Pamilyar ang kombinasyon ng kulay. Complementary colors, iyon ang tawag sa kanila. Tulad ng red at green (Pasko). Ng yellow at violet (LRT 2). Sa dami ng color wheel na naiguhit ko mula grade one hanggang grade six, hindi ko iyan makakalimutan.

Paborito ko nung elementarya ang Art. Iyon lang ang nagpapataas ng marka ko sa subject kong MAPE (Music, Art and Physical Education). Ipinanganak na nga akong sintunado, lampayatot pa ako noong bata, kaya olats talaga ako sa Music at PE. Binabawi ko lahat sa Art: pagguhit ng tanawin, paggawa ng eggshell mosaic, pagtupi ng papel para maging origami, paggupit ng art paper at higit sa lahat, pagkulay ng color wheel.

Ang color wheel ay may sandosenang kulay: tatlong primary (red, yellow at blue), tatlong secondary (orange, green at violet) at anim na tertiary (red orange, red violet, yellow orange, yellow green, blue violet at blue green). Magkakatapat ang mga sinasabing complementary colors. Kahit saang parte ka ng mundo magpunta, ang complementary color ng blue ay orange samantalang ang sa red violet ay yellow green. Mas may buhay raw kasi ang isang larawan o bagay kung gagamit ka ng complementary colors.

Sa murang edad, naitatanim sa isipan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapareha. Kaya si Malakas ay may Maganda at si Jill ay may Jack.

Hindi ba’t paboritong exam sa Nursery ang matching type? Ang basketball, sa ring. Ang baseball, sa bat. Ang papel, sa gunting. Ang kamay, sa gwantes. Ang paa, sa sapatos. Sakto lang ang pagpipilian. Bawat isa, may katerno. Ganoon kaperpekto ang mundo.

Pagdating ng high school, saka lang nauuso ang sobra-sobrang choices. Sampu lang ang items ng exam, pero A hanggang M ang pagpipilian.

Pagtanda mo, natututunan mong may latak.

At may matandang bigla na lang tumambad sa aking harap; tulad ng pagsulpot ng engkantada sa harap ni Pinocchio upang siya ay gawing tunay na bata.

Si Lola naman, ginugulat ako.

“Totoy, may katabi ka?”

Mababa ang boses. Akala ko noong una, lalaki si Lola. Kasama pala si Lolo. Holding hands.

Isa-isa ko pang sinilip ang tatlong bakanteng upuan sa aking mesa, saka sinabing, “Wala po. Sige po, dito na lang kayo, mabilis naman ako kumain.”

“Salamat ha, Totoy.”

Gusto ko sanang sabihin kay Lola na halos bente-uno na ako, hindi na ako Totoy, pero naalala kong masamang sumagot sa nakakatanda. Umupo si Lola sa tabi ko, si Lolo ang pumila matapos iabot ni Lola ang Senior Citizen ID.

At sisimulan ko na ang pagkain.

“Totoy, ano iyan?” kalabit ni Lola sa aking braso nang akma ko nang dadamputin ang plato ng motong. Itinuturo niya ang nakalagay sa platito.

“Mantao po, siopao na walang laman.”

“Walang laman? Masarap ba iyon?” Inayos niya nang bahagya ang salamin sa mata at ngumiti nang pilit; tila kasalanan sa Diyos ang pag-order ng siopao na walang laman.

Opo. Masarap ang mantao. Kahit walang laman.

“Hindi ba mas masarap ang siopao?”

Paano ko naman masasagot ang tanong na iyan e hindi ko pa nasusubukan?

Hindi ko sinagot si Lola. Bagkus, inilipat ko ang kanyang atensyon sa pila ng umoorder ng pagkain. Sumesenyas si Lolo. Mukhang nakalimutan sabihin ni Lola kung anong inumin ang gusto niya.

“Totoy, pabantay muna ng gamit ko ha? Sandali lang. Ulyanin na talaga itong asawa ko.”

Binalikan ko ang aking motong. Pinigaan ng kalamansi. Oras na para haluin. Dinampot ko ang isang pares ng kubyertos. Inalisan ng balot na papel. At, dumulas. Dumulas mula sa aking kaliwang kamay at umalingawngaw sa buong kainan ang kanilang pagbagsak sa sahig.

Dinampot ko ang dalawang kubyertos. Dalawa.

Buntong-hininga.

Mabuti pa ang tinidor, may kutsara.

Sana nag-takeout na lang ako.

++++++++++++
For she
…whose hair is not long and whose eyes are not chinky,
…who came unexpected, amused me when she talked while I listened, and made me realize I missed her the very next day though I would not admit it,
…but who left just the same.

36 Comments

  1. joy — April 25, 2005 #

    ugh.

    I can completely relate. Un nga lang, ako yung nang-iwan. Nonetheless, I feel the same.

    A pastor once said that great people deserves great partners. The thing is, greatness takes time to develop. I guess, it may take a while for you. hehehe.

    Again, thank you for the words, especially when I cannot find the right ones for myself.

  2. Angelatin — April 25, 2005 #

    I recommend that you listen to Gary Granada’s “Mabuti Pa Sila” :)

    Masarap ang motong sa Chowking, pero mas masarap kung may kasama kang kakain nito (pero Dutch Treat dapat, hehe). :)

  3. nikka — April 25, 2005 #

    nakakadepress ka. :|

    kelangan ba talagang me partner or is it that we see the outside world and think to ourselves, almost everybody has a partner that we should also have one?

  4. DeRick — April 27, 2005 #

    di pa ako nakakain sa ChowKing sa buong buhay ko, pero alam ko ung nararamdaman mo. nu nga ba masarap dun? hehehe. anyhow, nice artik. and Godspeed sa pagiging-EIC. :)

  5. tail — April 27, 2005 #

    “who came unexpected, amused me when she talked while I listened, and made me realize I missed her the very next day though I would not admit it,”

    state of denial.

    baka lumala yan! :D

    get well soon.

    - - - - - - - -

    “but who left just the same.”

    moment was cut short ey?

    - - - - - - - -

    hayaan mo, masarap naman ang motong eh. Kahit walang mantao.

    nice one!

  6. smile — April 28, 2005 #

    mahirap talaga magisa lalo na pag napaplibutan ka ng magkapareha na para bang nagsasabi at nagpapaalala sayo na hoy mag isa ka pa rin…pero mas mahirap ung me kasama ka pero pakiramdam mo pa rin magisa ka….

    ang pag-ibig di hinahanap,kusang dumarating,basta mararamdaman mo na lang…malay mo paparating na ung sayo…hindi ka na kakain na magisa!

  7. sky_walker — May 3, 2005 #

    nice one.
    i am sick of people constantly telling me to find a someone. if it comes, it will. we dont have to push ourselves in finding it.

    moral of the story: stop waiting, it will come(i hope) :D

  8. ventot — May 10, 2005 #

    [Unang Komento ko ito :D]

    Magandang Araw!

    Aaminin ko, parehas tayo ng nararamdaman sa tuwing makakakita ng magkakapareha. Madalas akong magSENTI mode kapag ganyang sitwasyon. Kakausapin ang sarili, mananaginip ng gising at ngingiti, at sa muling pagbalik sa ulirat…

    Bubuntong-hininga. Haaay…

    Mahusay na istorya! Nga pala, masarap ba talaga ang MOTONG?

  9. Leslie — May 13, 2005 #

    nakalulungkot nga ang ganoon. Biruin mo ba nmang palibutan ka ng mga nag-iibigan na para bang sinasampal ka at pinipilit na humanap ng iibigin. Tsk tsk tsk.. Ang isip nga nman ng tao… Magandang artik po ito! Ika’y sobrang nakabibilib!

    Itatanong ko lang..

    Iyan ba ang chowking ng Times Plaza sa UN?

    Masarap nga ba ang Mantao?

  10. candlebox — May 15, 2005 #

    astig. ganda ng site mo. ngayon ko lang nadalaw.

    kakalungkot naman to. lagi na lang senti mga sulat mo. hmp. lalo tuloy ako nadedepress. hehe.

    may mga tao lang sigurong lungkutin talaga.. pag nag-iisa. gaya ko. waaaah!

  11. roni_bats — May 16, 2005 #

    JOY
    Waiting. Waiting. Salamat.

    GELATIN
    Napakinggan ko na iyon dati pa. Sa metropop pa lang, hehe.

    NIKKA
    Sorry! Hehehehe. It’s not that gusto mong makigaya. It’s more of a longing to experience what others long have. Ayun, parang ganun. =)

    DERICK
    Salamat!

    TAIL
    I think i’m just a little unwell. Hehe. Salamat.

    SMILE
    Yes, mas mahirap nga iyon. Physically present, but not at all there. Perhaps the greatest distance of all, sitting on the same table and yet so far apart.

    SKY_WALKER
    Apir tayo diyan. Sabi ko nga nung birthday ko, ang darating ay darating at ang hindi ay hindi.

    VENTOT
    Oo, MASARAP. Ayan, all caps na iyan, hehe. Salamat sa unang komento, hehe.

    LESLIE
    The thoughts are real, the events are not. =) Pero mahilig talaga ako kumain sa ChowKing. And probably, yung mga characters sa kwentong ito ay nakasabay ko talaga, at some point at pinaghalu-halo ko lang dito. Oo, masarap talaga ang mantao para sa akin. Masarap siya pagkatapos ng rice meal. Subukan mo. Salamat sa pagdaan Ü

    CANDLEBOX
    Salamat. Lagi na lang senti? Hindi naman, ina-alternate ko na nga ngayon e, hehehe. *wink*

  12. aki — May 19, 2005 #

    u r really amusing.. wel, kip it up.. !

  13. didith — May 20, 2005 #

    hoy ronnie sino naman yang si she ha? ha? ha?
    huli na ba ako sa balita? pasensya ka na wala akong pasalubong sayo..
    nice artik..though kainis ka…nalungkot ako lalo

  14. reyna ayner — May 26, 2005 #

    oy ronnie, first time ko napadaan sa site mo. heheheh o ayan, tuwa ka na, +1 unique hit din ako. tinatamad ako sa fch (walang kinalaman sa artik mo)

  15. Johanna — June 1, 2005 #

    hmmm…matikman nga ang motong na yan.

  16. mygaseous — July 12, 2005 #

    ganda mong magsulat…. sana’y hindi mo masamain kung mapapadalas ang pagbisita ko sa blog/web mo na ito…

  17. arni — August 2, 2005 #

    hello :)
    nakibasa lang po.
    mahusay. pero mas okay ata makinig kaysa magbasa.
    wehehe.

  18. shev — August 26, 2005 #

    astig. ang husay.

    uhm, kame kaya ng bf ko yung nakita mong nagsusubuan ng halo-halo sa chowking? akin ang ube ice cream, nata at langka. sa kanya na yung natira.

    susubukan ko next time yun mantao. :)

  19. martha — October 2, 2005 #

    Alam mo tama k dn s mga sinabi mo… npabilib m nga ako eh.
    Pero k2lad mo my mga bagay n minsan ay hndi ngkaroon ng kapaReha 2lad n lng po ng ARAW dba ng iisa lng to at wlang katulad.. hindi katulad ng mga bitwin n nasa pligid n2…
    hayaan mo po da2ting din ang mgi2ng kapareha ng puso m…

  20. ronald — October 6, 2005 #

    astig ka bro idol na kita galing mo sumulat..

  21. gooby — October 10, 2005 #

    astig!!!!…

  22. noimi — November 22, 2005 #

    npdaan lng po, kinailangang mpasyal s webby site at doon ay nhantungan ka…

    ang galing, hndi mrapat n magsisi at ako’y npdaan dito… salamat!

    …some people touches you; hugs you, pat you on the shoulder and says “its ok”
    …some people touches you; you feel him, as if saying “its ok”, yet he’s not there

  23. fwoosh — November 26, 2005 #

    tamang tama ang timing ng pagbasa ko nito.kakagaling ko lang kasi sa sinehan kahapon at nasayang ang dalawang oras ko sa loob ng madilim na sinehang iyon sa pag-iisip tungkol jan bsta ang point ko eh hindi man pareho ang nadarama natin nkaka-relate ako.kaya natin toh, er, think positive? ewn. sndli. wawakasan ko na tong parteng ito dahil indi nman tlga ito ang sasabihin ko

    ang galing mong sumulat. idol kita hehe sana marunong din akong magsulat noh? hehe. sana ipagpatuloy mo ang pagsusulat ng ganito kc, ewn, bsta,nakakatulong nakaktuwa yadah yadah compliments here and there encouragement chorva, bsta, masaya hehe.un…un.

  24. Aoi — November 28, 2005 #

    may dadating din, wag kang mag alala. sa tamang panahon, d mo na kelangang mag antay.

  25. irene — December 23, 2005 #

    napadaan lang naman ako….meron namang mga bagay na walang kapareha d ba?pero,meron nga ba?

  26. marksee — December 29, 2005 #

    wow. galing kung panu nairelate yung kubyertos sa relationship.

  27. jenny — January 15, 2006 #

    waw! mantao person ka rin ba? masaya yan. honestly, i liked the way you write, pramis. i can’t see the whole point until i reached the end. that’s what made me really love your articles, from start to finish. astig talaga!

  28. JIMINABOTTLE — January 16, 2006 #

    BAD TRIP KA.

    You reminded me of being single, and what I’m losing for being such. I absolutely admire your writing now. I didn’t know it could have such an effect on me. Atin atin lang to, but I imagined the scenario, and it put me in kind of like a trance. It was weird. I’m still a little light headed right now. I loved the feeling.

    See, I’m shaking my head. Tulala pa rin ako.

  29. mareya — January 21, 2006 #

    nakita ko ang sarili ko sayo… sa sinulat mo… malapit na naman ang feb. hay.ma-o-op na naman ako sa habang kumakain sa fastfoods… habang naglalakad papunta sa sunod kong klase… habang naglalakad sa field… habang nagpapakasaya (pilit) kapag feb fair. pero naisip ko, may mga karamay ako, tayo.
    naalala ko tuloy nang umorder ako ng pansit at mantao sa chowking kasama ang mahal ko. share kami sa pagkain. ang saya. mayamaya dumating ang girlfriend nya. at dun ko na realize… hindi pala masarap ang mantao.

  30. aira — March 9, 2006 #

    ALAM MO ANG GALING MO RIN NO ANG DAMING PAMIMILIAN ANG DAMING KULAY

  31. ANNALIZA — March 9, 2006 #

    OK… LANG UNG KWEN2 AN DAMI NMAN NG COLOR N ALAM NIYA…………PTI UNG TYPE PRO KAILANGAN BA TLGA NG MY PATNER?????

  32. chepie — March 30, 2006 #

    hehe, natawa namn ako dito. Ba’t sila nalungkot? joke lang! galing mo namn… sige sulat ka pa, GOD BLESS!

  33. cha — August 9, 2006 #

    magandang uMaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  34. pabz — August 21, 2006 #

    i hav a similar composition. (anu naman?!) wala. makikisawsaw lang ako sa kagalingan mo, baka pwede ko na ring isiping magaling akong magsulat at pede ng gumawa ng website na pang nominee sa *INSERT AWARD WINNING BODY HERE*. iba tlga upian

  35. Jay Ann v. Consignado — September 5, 2007 #

    similar compositio oks lang

  36. Captain — January 18, 2008 #

    Hayyy, the Crapking or Chowking restaurant rather part is the same experience we had. Very poor and slow service. Tokwa’t baboy lang para ulam sana ay inabot ng 45 mins? Kahit kausapin mo manager nila parang ok lang at bigay lang ang demand na isauli na lang ang pera. Hindi mo pa nakakain yung baboy eh high blood ka na. I would never eat on this restaurant ever again.

Leave a comment