Desperate Intern
Pinag-uusapan ng lahat ng sinabi ni Susan Mayer (Teri Hatcher) sa season premiere ng Desperate Housewives:
“OK, before we go any further, can I check those diplomas? Because I would just like to make sure they are not from some med school in the Philippines.”
Ang masasabi lang ni roni_bats, insultuhin na ng tauhan ang lahat ng gusto niyang insultuhin, sa huli, kapag magaling ang isang doktor (Pilipino man siya o Kano o kung ano man), marami pa rin siyang pasyente. At sa mga kolehiyo ng medisina sa Pilipinas, wala namang dapat mainsulto kung alam naman ng mga paaralang ito na magagaling ang mga napagtatapos nilang manggagamot.
Pagandahan na naman ng public statement ang mga mas magagaling nating mga politiko. Ayos, uunlad talaga ang Pilipinas kapag ganyan.
Naalaala ni roni_bats ang kanyang karanasan nang kumuha siya ng 4-week Neurosurgery elective sa Mount Sinai School of Medicine sa New York noong isang taon. Sa mangilan-ngilang pasyenteng kanyang nakasalamuha sa labas ng operating room, wala namang nanlait sa kanyang pagiging Pilipino (o baka dahil mas madalas ay napagkakamalan siyang Intsik!). Mayroon pa nga siyang mga nakakuwentuhan.
Pero natuklasan ni roni_bats na iba pa rin talaga kapag Pilipino ang pasyenteng kanyang kausap at ine-examine. Bagamat pareho namang maysakit at nagkaiba lang sa kulay ng balat, di hamak na mas mahirap makipag-usap sa isang taong mula sa isang kulturang hindi mo kinalakihan. Dahil magkaiba ang saklaw ng karanasan, mas mahirap mag-establish ng rapport at tantyahin ang pagiging manggagamot at ginagamot. May mga pagkakataong magkaiba ang nakakatawa at nakakainsulto. Naghahalo. Nagkakapalit.
Kaya naman mas napagtibay ang pasya ni roni_bats na manatili sa Pilipinas bilang manggagamot. Kahit isa siyang desperate intern sa isang desperate health system, pakiramdam niya, parang, mukhang magiging mas masaya siya dito.
Kapag mas dense ang suso ng isang babae, mas mahirap makita sa mammogram kung may mga lumalaking bukol na maaaring kanser.
- Posted by roni_bats at 07:51 pm
- Permalink for this entry
- Filed under: Internship
- RSS comments feed of this entry
- TrackBack URI
pano malalaman kapag dense yung dibdib ng babae?
Salamat ng marami kung mananatili ka nga sa Pilipinas. Sana lang hindi ka maumay.
Naiisip mo bang gumawa ng hakbang para mabago ang health system ng bansa?
Tama! Iba pa rin talaga pag pinoy ang manggagamot at ang ginagamot. :D
astig!
natutuwa ako na meron pa ring mga katulad mo na gusto pa rin magstay dito sa Pilipinas at pagsilbihan ang mga kapwa nya Pilipino.
bumalik na pala ang roni bats sa web… di ko na namalayan.. pero eniwey… ur insyts are just refreshing to the senses… esp to med students lyk me… great job
SOME being the operative word..hindi lahat.
{(:-)
basta uminit ulo ko nung narinig ko yung balita bout sa desperate housewives..gusto ko ding maging doktor….dito sa Pilipinas..sana…
itatanong ko pa naman sana sa comments page nung last blog post ang tungkol dito…
nagpadala nga daw ng apology ang ABC eh…pero cno naman daw makakabasa nun compared to the millions of watchers ng desperate housewives…
pero tama!bakit nga ba tayo paapekto kung alam nating may mga med schools tayo, (tulad ng UP..ehem) na nagproproduce ng magagaling na doktor! :)
walang sinabi website mo… makikita mo. mag eentry din ako d2 sa phil. web award at sisiguraduhin kong ako ang mananalo. HAHAHAHA!!!!!
ANO!?
Mayroon lamang iisang dahilan para lumisan ng ating bansa, at may napakarami namang dahilan upang manatili. =) Nakatutuwa at isa doon si kuya Roni sa mananatili.
woo..
hahaha. ako rin, isa sa mga balak ko ang med. pero, pag-iisipan ko pa kung magsestay ako sa ‘pinas.
lol. freshie pa lang nga ako sa college eh.
;P
dati kasi sobrang nationalistic ako pagdating sa mga ganyang ‘paglilingkod sa bayan’ effect.. pero other people’s thoughts would get to me talaga whether i listen to them or not.
tulad na lang ng view ng people on anthro (my course)
at nagdrama na talaga ako dito..
Funny kasi nung narinig/nakita ko yung balitang yan eh ikaw ang pumasok sa utak ko. Although hindi naman talaga tayo magkakilala. :P
hay, talagang kahit medyo bulok talaga ang sistema ng health system dito sa pinas, iba pa rin pag kapwa pilipino ang napaglilingkuran…
kudos!
UHmmm.. may GiRlfriend ka na??..
share ko lang yung nabasa ko sa net… ginamit to ng Dean namin sa speech nya sa commencement exercise ng Ateneo.
“But humanity’s greatest advances are not in its discoveries but in how those discoveries are applied to reduce inequity. Whether through democracy, strong public education, quality health care, or broad economic opportunity, reducing inequity is the highest human achievement.”
- Bill Gates
*sana maisip nila na hindi naman to pataasan ng ihi… asa.
Sana huwag magbago ang desisyon mo na manatili sa Pinas. Kailangan natin ang mga tulad mo =)
oo nga… kawawa naman pinoys if alis pa kayo…. stay nalang kayo here and apply sa hospital namin.. pls pls ala ng doctors dun,,
Waaahh,,nakokonsensya ako,,,haha,,balak kong mag–nurse sa U.S.,,pero bilib din ako sa mga grads ng U.P.,, gaya ng mga C.I. namin ngaun sa FEU na sobrang nationalistic at laging sinasabi sa amin na nandito ang pasyente niyo at wala sa ibang bansa. Pero I’ll find a way to help my fellow Filipinos at babalik din ako sa Pinas. hehe
ronnie…derogatory ang “Intsik”…hellerz..