Ronibats.com / 250 posts / 1,547 comments / feed / comments feed

OR, OR at OR Ulit

Halos araw-araw umakyat ng OR si roni_bats nitong nakaraang dalawang linggo niya sa Deparment of Surgery. Noong huling duty, tatlong beses siyang natawag para maging OR assist. Hindi naman siya nagrereklamo. Sa katunayan, natutuwa siya dahil marami siyang nakikitang iba’t ibang operasyon sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakapag-assist siya ng modified radical mastectomy para sa breast cancer, dalawang thyroidectomy para sa goiter, mesh herniorhapphy para sa umbilical hernia, partial maxillectomy para sa maxillary (upper jaw) tumor, dalawang appendectomy para sa ruptured appendicitis, gastric pull-up para sa esophageal tumor, exploratory laparotomy para sa perforated peptic ulcer, at ang pinakamadugo sa lahat, coronary artery bypass graft, isang open heart surgery.

Pero siyempre, nakakapagod din naman mag-assist. Lalo na kapag duty kasi hindi lang naman OR assist ang inaatupag niya. Kailangan pa rin niyang mag-monitor sa ward at sa recovery room. Ang laking pasalamat na lang ni roni_bats eh mababait ang mga surgeon na bossing niya sa General Surgery. Kahit papaano, nakakaengganyong umakyat sa OR kahit antok na antok na siya at masakit na masakit na ang kanyang likod.

Bukas, babalik na siya sa ER bilang Trauma intern. Nakakapagod na duty na naman. At ang malas pa, may mga araw na every other day ang kanyang duty. Sana wala munang magsaksakan. Sana umulan nang malakas para wala munang mag-inuman sa kalsada. Sana wala munang magsugal para walang magbarilan. At sana wala munang mga ospital sa na magpapadala sa PGH ng mga pasyenteng hindi nila kayang gamutin.

Kapag naiisip ni roni_bats ang ER, parang gusto na lang niyang matulog nang matulog nang matulog.

10 Comments

  1. anna — October 15, 2007 #

    dati gusto ko mag-doktor, pero nung naisip ko na parang makikinabang ako sa pagkakasakit nang iba, parang nag-iba ang ihip nang hangin, nag-inhinyero na ako.

    hindi ka ba natatakot?

    RONIBATS:
    Think of it as a contract: services paid for services rendered. Hindi mo naman ginustong magkasakit sila di ba? Sila ang lumapit sa iyo dahil naniniwala silang matutulungan mo sila.

  2. alenaire — October 16, 2007 #

    buhay nga naman! :)

    RONIBATS:
    Oo, ganyan talaga ang buhay.

  3. carmigz — October 16, 2007 #

    wow ang toxic ng dating grabeh! Pero atlis marami ka ng experience. (nyak ang pangit ng dating! haha! =P)

    Hindi ko maintindihan yung OR Assist? Anong ginagawa pag nago-OR Assist (nag-aassist? =P)?

    RONIBATS:
    Kapag nag-aassist, intern ang taga-retract ng skin at iba pang organs para makita nung surgeon yung ginagawa niya. Siyempre mas madali yun sabihin kesa gawin. Hehe.

  4. klyonne — October 16, 2007 #

    wow..nosebleed ang operations kung san ka nagscrub in…tama ba? pareho lang ba iyon ng assist?…

    ooh…balik ER…buti hindi new year…sana hindi ka umabot ng undas dian…dahil marami ding nae-ER pag ganung time…

    RONIBATS:
    Oo, pareho lang yun.

  5. jassy — October 16, 2007 #

    goodluck sa mga duty mo. kayang-kaya yan!

    RONIBATS:
    Thanks!

  6. Ian — October 16, 2007 #

    Totoo ba na pag laban ni Pacman e halos walang krimen?

    RONIBATS:
    Yeah. Malinis ang ER :)

  7. ling-ling — October 16, 2007 #

    tulog ka muna.. mukhang pagod na pagod ka nga.. pero kaya mo yan! =)

    RONIBATS:
    Tapos na! :)

  8. thea — October 17, 2007 #

    kakapagod tumayo sa OR no.lalo na pag CABG.nka circulate ako once pero andaming doktor kya tig kuha lng ng supplies ang role ko..pero enjoy dba..mas enjoy sa ER.mas maaksyon.dahil d mo alam anong darating na surprise for you..
    ingat.

    RONIBATS:
    Mas gusto ko ata ang OR assist. Malamig kasi kahit nakakapagod tumayo. Hahaha.

  9. joiz — October 18, 2007 #

    Roni, matanong ko lang, paano po ba maasikaso ng maaga sa ER ng PGH? Ililipat kasi ng pinsan ko sana dyan dahil may fracture ang bungo nya, may referral naman po kaso namention mo na dati na minsan pinalilipat parin pag di na kaya maasikaso? heeeeeeh sensya na po sa off topic question, maaari mo na po itong burahin kung gusto mo. ingat po

  10. jagged — October 18, 2007 #

    natutuwa talaga ko makakita ng mga med students at intern na nag-aassist sa OR..ang bait kasi nila sameng mga nursing student..hehe

Leave a comment